Lola ni Jake Zyrus, dinala sa Lucban, Quezon para magpagaling

IMAGE Arniel Serato


GORGY RULA: Naitsismis sa PEP Troika ng isang kakilala naming kapitbahay ni Mommy Raquel Pempengco na dinala na raw niya sa Lucban, Quezon ang ina niyang Tess Relucio Pineda, lola ni Jake Zyrus o ang dating Charice Pempengco.

 IMAGE Arniel Serato

Pagkalabas daw ng hospital kung saan inoperahan si Lola Tess pagkatapos siyang napatiran ng ugat sa ulo, dinala raw ni Mommy Raquel ang ina niya sa Lucban para doon na lang magpagaling.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag na kuwento sa amin, tuluyan na raw nabulag ang isang mata nito.

Hindi lang nilinaw sa amin kung kaliwa o kanang mata.

Pero hanggang sa nakalabas ng hospital si Lola Tess at dinala na sa Lucban, hindi pa rin daw nakasilip si Jake.

Hindi lang daw nila alam kung nagpadala ng tulong si Jake, pero sinasabi raw ni Mommy Raquel sa kanila na tuluyan na raw silang kinalimutan.

Nalulungkot lang daw si Mommy Raquel, dahil ganun na raw ang kalagayan ni Lola Tess, tiniis pa rin talaga sila ng kanyang anak.

Nakapanayam noon ng PEP.ph si Jake at binanggit niyang tutulong daw siya hindi na kailangang ibalita.

Sinubukan naming tawagan si Mommy Raquel para alamin sana kung nakapagbigay naman ng tulong si Jake, hindi ito sumasagot sa tawag at text namin.

Naalala kasi namin noong huling nakausap namin si Mommy Raquel, nagpahayag na itong hindi na siya magsasalita ng kahit na ano tungkol sa kanyang anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NOEL FERRER: Yan ang side ni Mommy Raquel.

At nabasa rin natin ang side ni Charice/Jake sa kanyang libro.

Gusto niyang tumulong, pero mas malaki pa sa isyu ng pagtulong ito—ang ugat ng di pagkakaunawaan nilang mag-ina.

Ayaw na ni Charice/Jake na isapubliko ang kanyang bawa’t galaw.

Basta, tutulong daw ito sa kanyang sariling paraan.

Ang tanong ko nga, bakit kailangang malaman at makuwento pa ang detalyeng ito sa labas ng pamilya?

Hindi ba’t napakadaling makipagtalastasan nang pribado at personal na lang kung sakali?

At mas madaling sanang magkaayos nang kapag hindi bino-broadcast sa media ang mga bagay-bagay.

Kung ang pagbabatayan ko ay ang natural na kabutihan ng tao, sa huli’t huli, hindi pa rin matitiis ng anak ang kanyang pamilya. Sana, tama ako.

JERRY OLEA: Taga-Lucban, Quezon ako kaya tanto ko na makabubuti sa lola ni Jake/Charice na magpahinga roon.

Nasa paanan ng mystical Mt. Banahaw ang Lucban.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sariwa ang hangin. Malinis ang tubig.

Maraming matatanda roon na lakad nang lakad bilang exercise, lalo pa kung araw-araw silang nagsisimba.

Friendly ang mga Lucbanin. Nawa’y bumuti ang kalagayan ni Lola Tess sa Lucban!


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN