Philippine cinema centennial, nakatakda sa September 11-17

IMAGE Noel Orsal


JERRY OLEA: Excited si FDCP Chairperson Liza Diño para sa local movie industry nang makausap ko sa MMFF 2018 Gabi ng Parangal noong Disyembre 27 sa Solaire Hotel.

 IMAGE Noel Orsal

Aniya, andaming makabuluhang pelikula ang inilalatag para sa 2019.

At nitong Enero 12, Sabado, nag-email ang FDCP na itinakda ang ikatlong Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) sa Setyembre 11-17, 2019 bilang opisyal na selebrasyon ng Sandaang Taon ng Pelikulang Pilipino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang PPP ang flagship program ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).

Sabi pa ni FDCP Chairperson Liza, naghahanap sila ng mga pelikulang may “original narrative and unique storytelling but accessible to a wide audience.”

Ang Sandaang Taon ng Pelikulang Pilipino ay kinilala sa pamamagitan ng Presidential Proclamation 622 Series na nilagdaan noong Nobyembre na nagtatalaga sa FDCP bilang lead agency para sa selebrasyong ito.

Ang Dalagang Bukid na idinirek ni Jose Nepomuceno at ipinalabas noong Setyembre 12, 1919 ang itinuring na unang pelikulang gawa ng Pilipino.

NOEL FERRER: Excited din ako sa magaganap na efforts ngayong Centennial ng Philippine Cinema.

Nakaka-excite din ang Pista ng Pelikulang Pilipino na kung magiging Setyembre na ay hindi na lang one-week apart sa Cinemalaya.

Mas may oras silang mag-promote pa nang maayos at pang-malawakan ang mga pelikulang lahok.

Sana rin, hindi na ganoon kaulan ang September dahil karaniwang biktima ng masamang panahon ang Cinemalaya at PPP.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba’t nakansela pa ang PPP parada, bagay na hindi puwedeng gawin sa tradisyon ng MMFF?

Ang magandang abangan—makiki-cooperate ba ang lahat ng nga sinehan na parang MMFF sa bagong September schedule?

Alam natin na ibinigay ng theater chains ang August playdate dahil walang malalaking Hollywood films na inire-release sa panahong iyun at ghost month din ang August.

Paano kaya ang September?

Since may Presidential Proclamation na, parang wala nang choice ba ang mga sinehan kundi sumunod?

Mas maganda kung katulad ng MMFF, kasama, katuwang at ka-partner ang theater owners sa paghahatid ng PPP at Centennial ng Pelikulang Pilipino, di ba?

Kumbaga, sama-sama together!!!

GORGY RULA: Sabi pa ni FDCP Chair Liza Diño, may mga kilalang personalidad silang paparangalan.

Sila yung mga taong may malaking bahagi sa mga pelikula natin.

Hindi pa niya masasabi sa ngayon kung sinu-sino sila.

Basta, maraming dapat abangan sa PPP at sa pagsisimula na rin ng pagdiriwang ng 100 Years of Philippine Cinema.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN