Akihiro Blanco, inihalintulad sa Toblerone ang kissing scene nila ni Martin del Rosario sa Born Beautiful

IMAGE File


JERRY OLEA: Inihalintulad ni Akihiro Blanco sa Toblerone ang kissing scenes nila ni Martin del Rosario sa pelikulang Born Beautiful.

“Sweet, oo, sweet,” napapangiting sambit ni Akihiro nang mag-guest sa Saturday night radio program ni ka-troikang Noel Ferrer noong Enero 5, Sabado.

“Kasi, pag nagki-kiss kami ni Martin doon sa characters namin, talagang passionate, mabagal pero sweet.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May tongue?

Napakunot-noo si Akihiro at sandaling natigilan.

Napailing ang binata, “Hindi ko na rin maalala.

“Kasi, meron kaming scene ni Martin, nasa taxi kami, doon sa taxi ko...

“Kasi, kami ni Martin, wala namang sinabi sa script na, o, may tongue ba yan o maggagano’n kami.

“So, pag nagalaw na ni Martin, gagalaw na rin ako!

“Ayokong ipakita na naiilang ako. Gusto ko, nando’n ako sa character ko.

“Siyempre, si Direk Perci [Intalan], hindi rin naman magka-cut ‘yon.

“Pag itinuloy ni Martin, itutuloy ko na rin.

“Kung ano ang kissing scene na gusto naming gawin... kasi, ayaw na naming umulit na take 2, take 3...”

Matutunghayan ang uncensored version ng Born Beautiful sa Enero 18, Biyernes, 7:00 PM sa UP Cine Adarna, UP Diliman, QC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NOEL FERRER: SRO at punung-puno ang SM Masinag nitong Linggo, Enero 13, sa mall show ng Born Beautiful.

Kahit sino ang tanungin mo sa produksyon, wala na silang maibigay na tickets para sa January 18 screening ng uncensored version ng pelikula ni Direk Perci Intalan.

Mismong ang talent ko nang si Aki ay inarbor pa ang 5 tickets na naka-allot sa akin.

Ganyan ka-precious ang tickets sa special screening ng UNCUT version!

Sana, mag-mount ng mas grabeng interes sa pelikula ang gaganaping screening—para maabot naman ng Idea First ang record nilang naitala sa awards ng Die Beautiful ng MMFF 2016, at sa box-office ng Ang Dalawang Mrs. Reyes na halos kapareho ang playdate last year.

Good luck, mga kapatid!

GORGY RULA: Tinanggap ni Akihiro ang pelikulang ito na medyo naalangan siya dahil baka hindi niya kayanin ang kissing scene.

Pero di ba, sabi mo sa kanya, Sir Noel, na isang eksena lang ang kissing scene?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagulat si Akihiro na naparami.

Hindi na siya nagreklamo, ibinigay na lang niya ang best niya sa mga eksena nila ni Martin, kaya iniisip na lang niyang parang Toblerone ang lasa ng halikan nila.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN