JERRY OLEA: Ayon sa Kantar Media, No. 1 program nitong nakaraang weekend ang kauumpisa pa lang na World of Dance Philippines.
Noong Enero 12, Sabado, ang unang episode nito ay nagtala ng 31.9%, kontra sa 15.5% ng kasabay na Daddy’s Gurl.
Noong Enero 13, Linggo, nagtala ito ng 32.3%, kontra sa 14.8% ng Studio 7.

Judges sa nasabing reality dance competition sina Gary Valenciano, Maja Salvador at Billy Crawford. Hosts sina Luis Manzano at Pia Wurtzbach.
NOEL FERRER: I wonder kung ano naman ang ratings ng NUTAM/Nielsen for the opposing shows.
But whatever the numbers are, ang tanong sa WODP: kumusta ang quality ng contestants? May bago bang discovery dito sa talent show na ito na mapapasikat at may kakaibang kahusayan?
As for Studio 7, level up na ba ito sa usual variety show fare na napanood na natin sa TV para magtatak talaga?
Or hanggang ngayon, naghahanap pa rin ang show na ito ng identity?
In the end, ang tunay na measure ng success ng anumang programang ganito ay kung paano nila napapaunlad at naiaangat ang standards na na-set ng mga nauna na sa kanilang reality at musical variety shows.
Ang dapat magwagi sa dakong huli ay ang audience! Because we all deserve the best!
GORGY RULA: Wala pa akong nakuhang NUTAM ratings. Hinihintay ko pa rin.
Pero ang maganda rito, nakabalik na sa trabaho si Billy Crawford at meron nang ibinigay sa kanya ang ABS-CBN pagkatapos niyang umalis sa poder ni Arnold Vegafria at nagpa-handle na sa Viva.
Naungusan na kasi si Billy nang bonggang-bongga ni Luis Manzano na hindi talaga nawawalan ng trabaho.
Dapat maging active uli si Billy kahit wala na siya sa It’s Showtime.