Sen. Tito Sotto, masaya pa rin sa kinahinatnan ng Boy Tokwa sa takilya

IMAGE Screen cap from Boy Tokwa: Lodi ng Gapo trailer


JERRY OLEA: Matapos ang two-week run ng 44th MMFF, nakipagsagupaan noong Enero 8 ang Boy Tokwa, Lodi ng Gapo sa Hollywood blockbusters na Bumblebee at Mary Poppins Returns.

 IMAGE Screen cap from Boy Tokwa: Lodi ng Gapo trailer

Bumalik din sa mga sinehan ang iba pang box-office hits na Aquaman, Ralph Breaks The Internet, at Spider-Man: Into The Spider-Verse.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang worldwide gross ng Aquaman ay umabot na sa $1B. Ito ang unang pelikula mula sa DC Extended Universe na lumampas sa $1B-mark.

Ayon pa sa Box Office Mojo, so far ay $288.4M na ang worldwide gross ng Mary Poppins Returns; $302.4M na ang animated movie na Spider-Man: Into The Spider-Verse; $367.0M na ang Bumbleebee; at $435.2M na ang Ralph Breaks The Internet.

Showing pa ang Hollywood films na ito kaya tataas pa ang kani-kanyang worldwide gross.

Bukas (Enero 16, Miyerkules), itatanghal na sa mga sinehan ang McLisse movie na Sakaling Maging Tayo, at ang ligwak ganern sa nakaraang MMFF na Alpha: The Right To Kill (bida si Allen Dizon, sa direksyon ni Brillante Mendoza).

Kasabay ng mga ito na mag-o-open ang Glass (superhero thriller na idinirek ni M. Night Shyamalan, sequel ng Unbreakable at Split), Once Upon A Deadpool (pambatang bersyon ng Deadpool 2), Replicas (biggest box-office flop ni Keanu Reeves), among others.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NOEL FERRER: Nakakatakot ang mga makakatapat ng Filipino films na malalaking pelikula.

Ano kayang pelikulang Pinoy ang magiging big hit after the MMFF?

Maghihintay pa ba tayo ng Valentine’s Day bago magka-major hit?

Baka makasilat ang Born Beautiful at magsimula ng suwerte sa takilya.

Judging from the response sa UP Diliman screening sa Friday night ay parang may chance. Sana, ganun ang mangyari.

Beautiful luck!

GORGY RULA: Nakausap ko ang ilang taga-VST Productions na nag-produce ng Boy Tokwa, Lodi ng Gapo, masaya pa rin daw ang ang producer na si Senator Tito Sotto sa kinalabasan ng pelikula ni Jose Manalo.

Hindi raw ganun kalaki ang production cost ng pelikula kaya puwede nilang mabawi kapag nabenta ang TV at video rights.

Kaya ngayon pa lang at nagpapa-submit na si Tito Sen ng magandang material na puwede nilang gawin.

Gusto raw niyang tuluy-tuloy ang paggawa ng pelikula para tuluy-tuloy rin ang trabaho ng mga tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Iyun na lang siguro ang mabuting gawin—tipirin na lang ang ginagawang pelikula para madaling mabawi.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN