Kris Aquino, niregaluhan ng Michael Cinco dress ang misis ni Anthony Taberna

GORGY RULA: Si Kris Aquino ang hinanap ng karamihang guests sa 11th wedding ceremony nina Anthony at Rossel Taberna nitong Enero 14, Lunes.

Reaffirmation of vows ang tawag nila rito na ginanap sa lokal ng Iglesia ni Kristo sa Tagaytay.

Anthony and Rossel Taberna
 IMAGE Courtesy of niceprintphoto.com

Isa si Kris sa mga ninang, pero alam nilang nasa Singapore ito at hindi makararating.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinanong ko si Rossel kung may ipinadalang wedding gift sa kanya si Kris, na close sa kanilang mag-asawa.

Hindi raw alam ni Rossel kung gift na ni Kris ang ipinadala nitong dress sa kanya na gawa ni Michael Cinco.

Pinagamit daw sa kanya yun sa reception sa Fernwood Tagaytay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE Courtesy of Over Look Photography

Tinanong lang daw siya ni Kris kung ano pa ang kulang sa bahay nila.

“Hindi na lang ako nag-hassle sa kanya, may sakit, e,” text ni Rossel sa akin nang tinanong ko kung may iba pa bang gift sa kanya si Kris bukod sa Michael Cinco dress.

Masaya ang mag-asawang Ka Tunying at Rossel dahil dumating ang buong pamilya at close friends na naging bahagi sa seremonya at sa kanilang pagdiriwang.

Natutuwa rin sila para sa kanilang mga anak na sina Zoey at Helga dahil nasaksihan ng mga ito at naging bahagi pa sa pag-iisang dibdib ng kanilang magulang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Anthony and Rossel Taberna with daughters Zoey and Helga
 IMAGE Courtesy of Over Look Photography

Sabi ni Gladys Reyes, na nagkaroon din ng reaffirmation of vows sila ni Christopher Roxas na ginawa rin sa Tagaytay noong nakaraang taon, para talaga sa kanilang anak ang pagpapakasal nila uli upang masaksihan ng mga ito at maging bahagi sa mahalagang selebrasyon nilang mag-asawa.

Congratulations kina Ka Tunying at Rossel Taberna!

Happy birthday na rin kay Ka Tunying, na magse-celebrate ng kanyang 44th birthday bukas, January 16, sa opening ng 8th branch ng Ka Tunying’s Café sa SM North Tower, Quezon City.

JERRY OLEA: Todo ang suporta kay Ka Tunying ng mga kasamahan niya sa Umagang Kay Ganda.

Maski si Atom Araullo (na isa nang Kapuso), dumalo at nag-host pa sa programa sa reception.

Nitong Lunes din, Enero 14, ang outdoor wedding nina Moira de la Torre at Jason Marvin Hernandez sa Tagaytay.

Sa mga bagong kasal at nag-reaffirm ng sumpaan, mabuhay!

NOEL FERRER: Congratulations kina Ka Tunying & Rossel Taberna, pati na kina Moira & Jason Marvin!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May your married life be filled with blessings and may you continue to inspire other couples na spread love!!!

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN