Lolit Solis, ipinagtanggol si Kris Aquino sa isyung pagbabanta

by PEP Troika
Jan 15, 2019
PHOTO/S: Jerry Olea / Noel Orsal

GORGY RULA: Awa na ang nararamdaman ni Manay Lolit Solis sa dati niyang alagang si Kris Aquino.

Narinig niya ang audio ng conversation nina Kris at Nicko Falcis, at tingin niya, hindi mini-mean ni Kris ang pagbabantang yun sa buhay ni Nicko.

Continue reading below ↓
Lolit Solis & Kris Aquino
 IMAGE Jerry Olea / Noel Orsal

“Alam mo naman tayo sa showbiz, minsan, lumalabas lang sa bibig natin, lalo na pag galit, pero wala naman yun,” pakli ni Manay Lolit.

“Kasi, kami dati ni Kris... ilang beses ba umiyak sa akin si Kris?

"Nakaupo pa noon ang nanay niya, wala siyang ginagawa sa akin,” dagdag niyang pahayag.

Ilang beses daw niyang inirita noon si Kris, umiiyak na lang ito.

Naalala pa ni Manay Lolit nang minsang dinala siya ni Kris sa Malacañang, nagtaka raw si dating Pangulong Cory Aquino dahil ang buong akala nito ay magkaaway silang dalawa.

Kuwento ni Manay Lolit, “Gusto ko pa sanang kumain uli noon, hindi na ako bumalik, hiyang-hiya ako na ipinagtanggol pa ako ni Kris.

“Sabi lang niya sa mommy niya, huwag lang daw silang seryosohin... e, alam mo naman sa showbiz.”

Patuloy niya, “Kahit ganun si Kris, walang mean bone ‘yan, e.

"Sa dami ng ginagawa kong pang-iirita sa kanya, wala ‘yang sinasabi sa akin, umiiyak na lang 'yan."

Continue reading below ↓

Siyempre, iba yung kaso nila ni Nicko na malaking pera ang involved, at may sakit pa ngayon si Kris.

Sabi ni Manay Lolit tungkol dito, “Ewan ko lang, huh! Pero di ba, tayo naman sa showbiz, lalo na ako, minsan, sinasabi ko, lagot ka sa akin, patay ka sa akin, pero wala naman yun."

Kung si Manay Lolit ang tatanungin, ang gusto niya kay Kris ay magpahinga na muna. As in, magpahinga sa lahat—lalo na sa social media na ayaw pa ring tumigil.

“Kaya ba ‘yan ni Kris? Ewan ko lang!” natatawa niyang pahayag.

Ang isa sa ipinagtataka ni Manay Lolit, ano ang pakay ni Nicko kung bakit nire-record ang pag-uusap nila ni Kris sa telepono?

Noong panahong yun, wala pa yung demandahan, kaya bakit ini-record ito? Para saan daw ang pag-record ng pag-uusap nilang dalawa?

NOEL FERRER: The pinaka-pointed comment that I saw was from Direk Manny Castañeda who said, “Finally, nakakita si Kris ng kanyang katapat, somebody who's willing to put up a fight regardless of her stature and influence. David and Goliath?

Continue reading below ↓

“The audio recording is definitely damaging. Falcis is able to hit Kris hard (really hard) with his latest assault. As a result, it seems public opinion moving against Kris because if there's anything Filipinos hate, it's arrogance.. and the audio recording was so full of it.

“The ‘Queen’ is panicking for sure! I am just wondering... anong sakit naman kaya ngayong ang ipapalabas ni Kris to gain public symphaty? That is, kung may maniniwala pa sa kanya.”

My questions: ano kaya ang masasabi ng mga dating partners ni Kris na sina Philip Salvador, Joey Marquez, at James Yap?

Ano na kaya ang kahihinatnan ng mga kasong na-file na sa korte?

Ano kaya ang repercussion ng pagwa-wiretap na siyang gamit sa pagte-tape ng personal phone conversation?

(Ano na kaya ang bisa ng pagsabi ni Kris noon na hindi ang tulad niyang namatayan ng isang ama na pinaslang ang magbabanta na papatay ng tao?)

Continue reading below ↓

Kailangan ding mabigyang-linaw ang P40M na nasa accountability diumano ni Nicko.

Sa arena of public opinion, kanino kaya kumikiling ang mga tao?

JERRY OLEA: Tatlong dekada ko nang kakilala at minamahal si Kris. Aware ako na meron siyang quirks and idiosyncrasies.

Isa sa mga natutunan ko sa kanya, love is unconditional. Puwede kong hayaan ang sarili na magmukhang tanga dahil sa pag-ibig, pero hindi ako stupid.

Sige, nakapagbitaw si Kris ng masasakit na salita sa panahong nilamon siya ng ngitngit.

Pero matapos iyon ay nahihimasmasan siya. Marunong siyang ipaubaya na lang sa Panginoon ang nawalang pera sa kanya.

Marunong siyang magpatawad.

Wala sa karakter niya ang magpapatay ng tao.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Jerry Olea / Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results