NOEL FERRER: Pinag-uusapan ngayon sa Twitter ang pagkamatay ng drummer ng bandang Razorback na si Brian Velasco.

Rest in peace, Brian Velasco �???�??�
— MYX Philippines (@MYXphilippines) January 16, 2019
Bagamat wala pang official statement mula sa mga kaanak, base sa mga komento ng netizens sa social media, kinitil daw ni Brian ang kanyang sariling buhay
Ayon pa netizens, ni-live stream pa raw ito ni Brian sa Facebook.
Ang akala nga raw ng ibang nanonood ay nagpapatawa lang ang Razorback drummer. Pero hindi raw pala.
Racket Productions mourns with the death of Brian Velasco, drummer for Razorback.
— romeo (@romeocannotsing) January 16, 2019
Brian died jumping off a building, earlier today. Racket sends it's warmest condolences to friends and family, and to the whole music community.
Rest in peace, Brian.
RIP Brian Velasco of Razorback.
— gdg film (@gdgfilm) January 16, 2019
tumigil yung mundo nun napanood ko yung livestream video. will always be a fan of your drumming skills.
I heard from a friend that Razorback's drummer Brian Velasco has just committed suicide by jumping off a building. And he did it via FB live.
— Pepe Alas (@JoseMarioAlas) January 16, 2019
Nagulat ako sa balita kay Brian Velasco. Taena nag FB Live pa raw bago nag suicide. Sayang ka idol tsk tsk. RIP na lang. Bawas na ng isang member ang Razorback. Hebigat naman sa pakiramdam �??��??�
— TAMBOL (@MOMONNNNN__) January 16, 2019
Good Lord, paano tayo umabot sa ganito?
Ipinaabot ng PEP Troika ang pakikiramay sa mga naiwan ni Brian.
JERRY OLEA: Dahil sa depression, health issue o financial problem, may mga kakilala o kaibigan ako (taga-showbiz man o hindi) na nagpakamatay.
Madalas, hindi na dinadalirot ang manner of death, bilang respeto sa mga naulila.
Ang isang young actor na naglaslas, mabuti at naagapan.
Sa mga kaibigan o kapamilya ni Brian, hindi ba nila napansin ang matinding pinagdadaanan ni Brian?
Let us be compassionate.
GORGY RULA: Nakababahala ang sunud-sunod na balitang may nagpapatiwakal.
Kahapon lang, may napabalitang isang babaeng tumalon sa building sa Makati City. Merong isang lalaki sa Sampaloc, Manila, na sa harap mismo ng mga pulis ay sinaksak niya ang sarili.
Para sa mga nangangailan ng tulong: Hopeline hotlines 804-HOPE (4673); 0917-558-HOPE (4673); or 2919 (toll-free number for Globe and TM subscribers).