Anthony Taberna, ipinagmalaking halos lahat ng empleyado niya ay regular

Anthony Taberna, ipinagmalaking halos lahat ng empleyado niya ay regular
by PEP Troika
Jan 17, 2019
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA: Nag-open ang eigth branch ng Ka Tunying’s nitong Enero 16, Miyerkules ng hapon, sa Ground Floor ng Tower 5, SM North Towers, North EDSA, Quezon City.

Ito ang pag-aaring restaurant at casual tambayan ng mag-asawang Anthony at Rossel Taberna. 

 IMAGE Jerry Olea

Katuwang nila si Miss Universe 2013 3rd runner-up Ariella Arida at Ombudsman Samuel Martires sa ceremonial ribbon cutting, bread cutting, at coffee pounding sa ginanap na restaurant opening.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kilala sa kanyang palayaw na Ka Tunying, pinangunahan kapagkuwan ni Anthony ang panalangin.

Merong ipinalabas na AVP (audio-visual presentation) ng history ng Ka Tunying’s, na nag-umpisa bilang panaderia sa San Antonio, Nueva Ecija.

Kasunod nito ang mensahe nina Mr. & Mrs. T—taguri sa mag-asawang Anthony & Rossel—sa mga bisita.

 IMAGE Jerry Olea
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Masayang ibinalita ni Ka Tunying na halos 90% ng kanilang mga empleyado ay regular.

“Wala po kaming endo!” bulalas ni Ka Tunying, na pinalakpakan ng mga panauhin.

Ang endo ay tumutukoy sa end of contractualization o short-term employment practice na talamak sa karamihan ng malalaking kumpanya sa Pilipinas. 

Patuloy ni Ka Tunying, “At meron na po kaming kausap para sa dagdag na benepisyo ng aming mga empleyado.

“Ang tinutukoy ko po ay health card para sa aming mga empleyado, at maaari po iyong i-extend sa kanilang mga kapamilya.”

Doble ang selebrasyon dahil nataon ang event sa mismong 44th birthday ni Ka Tunying. Siyempre, may pa-cake at kinantahan ang celebrant.

Pagkatapos ay nagpasiklab ng sayaw ang mascot na si Tonton, na ang hitsura ay sadyang inihalintulad kay Ka Tunying. 

Nagbigay rin ng message sina Ariella at Ombudsman Martires.

Hindi ko na inusisa kung bakit waley ang dating Hashtags member na si Jon Lucas, na supposedly ay special guest din sa pagtitipon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lahat ay nag-enjoy sa more and more litratuhan.

 IMAGE Jerry Olea

NOEL FERRER: Una kong nakatrabaho si Anthony sa TV noong ako pa ang in-charge sa dating early morning show ng ABS-CBN na Magandang Umaga Pilipinas.

All these blessings ay resulta ng kanyang hard work kaya congratulations sa bagong branch ng Ka Tunying’s—open daily from 7:00 a.m. until 10:00 p.m. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nawa’y magkatotoo ang birthday wish niya na makapag-open pa ngayong 2019 ng lima hanggang sampung branches ng kanilang family business.

GORGY RULA: Pawang pasasalamat sa Panginoong Diyos ang idinadasal ng mag-asawang Ka Tunying at Rossel Taberna.

“Salamat po dahil iminulat Mo kami sa pagkakilala sa ‘Yo, na patuloy kaming tumanaw ng utang na loob sa lahat ng mabubuting bagay, na iginagawad Mo po sa Iyong mga anak,” dalangin ni Ka Tunying.

“Tulad po sa araw na ito, muli Mo pong pinatunayan ang pagmamahal Mo sa amin. Pinayagan Mong makapagbukas kami ng isa pang sangay ng Ka Tunying’s, na alam naming biyayang nanggaling sa Iyo.

“Sa Iyo po namin iniaalay ang lahat ng kapurihan. Niluluwalhati po namin ang Iyong pangalan...”

Ang isa pa sa hinihiling nila ay mabuntis na uli si Rossel at magka-baby boy na sila.

Sana, matupad ito ngayong taon.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results