Karen Gallman, naka-$2,000 nang premyo sa 47th Miss Intercontinental

by PEP Troika
Jan 17, 2019
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA: Best in Swimsuit si Miss Paraguay Gabriela Natasha Soley Saw Kiw (20-year-old Law student) sa pre-pageant event ng 47th Miss Intercontinental nitong Enero 16, Miyerkules ng gabi, sa Okada Manila.

 IMAGE Jerry Olea

Best Evening Gown Designer si Chico Estiva. Ang nilikha niyang gown ay isinuot ni Miss Belarus Karalina Charnadei (21-year-old model).

Continue reading below ↓
 IMAGE Jerry Olea

Nagkamit muli ng special award ang kinatawan natin na si Karen Gallman (26-year-old financial analyst) bilang Fiber Health Body Beautiful, na may kaakibat na US$1,000.

 IMAGE Jerry Olea

Sa media presentation ng Miss Intercontinental noong Enero 10, Huwebes, sa Sofitel Philippine Plaza, iyong special award ni Karen na H&H Stand Out Beauty ay may katumbas ding $1K, kaya naka-$2K na si Karen.

Continue reading below ↓
Miss Belarus, Miss Paraguay, and Miss Philippines
 IMAGE Jerry Olea

NOEL FERRER: Malaki ang pressure sa ating kandidata na si Karen Gallman na iuwi ang korona, lalo na’t wala pang Pinay na Miss Intercontinental.

In fairness, hindi na masama ang special awards at cash prizes na napanalunan niya, ha?!

Magkakaroon kaya uli ng special awards with matching prizes si Karen sa dalawa pang pre-pageant shows sa Okada Manila?

Ngayong Enero 17, Huwebes ng gabi, ang Evening Gown Competition at Filipiniana Fashion Show.

Sa Enero 19, Sabado, ang National Costume (NatCos) Competition.

Ang gabi ng koronasyon ay sa Enero 26, Sabado, a SM Mall of Asia Arena.

Ang TV airing ay sa Enero 27, Linggo, bago mag-ASAP Natin ‘To sa ABS-CBN.

GORGY RULA: Maaga pa lang sa pre-pageant, marami nang media ang nagkakainteres na ma-interview ang deisigner na si Chico Estiva dahil ang ganda ng pagkagawa ng gown ni Miss Belarus.

Pero sobrang bigat nito na may timbang na 15 kilos.

Continue reading below ↓

Kaya curious sila kung paano ito dalhin ni Miss Belarus na nakeri naman niya sa pagrampa.

Ang nakakatuwa rito, nabigyan ng pagkakataong makasali ang mga baguhang designers na karamihan ay mula sa iba’t ibang probinsiya. Kaya binigyan sila ng pagpapahalaga kagabi.

Ang isa pang nakakabilib sa nag-organize ng Ms. Intercontinental 2018 na galing ng Japan, kaagad na ibinigay nila ang premyo na 1,000 US dollars.

Kaya sa January 26 pa ang coronation night, tumataginting na 2,000 US dollars na ang nasa bulsa ni Miss Philippines Karen Gallman!

Read Next
Read More Stories About
pep troika, Karen Gallman
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results