Kiko Matos, maduwal-duwal sa dami ng kissing scenes nila ni Martin del Rosario sa Born Beautiful


JERRY OLEA: Maduwal-duwal si Kiko Matos sa dami ng kissing scenes nila ni Martin del Rosario sa Born Beautiful, na idinirek ni Perci Intalan.

 IMAGE Screen cap from Born Beautiful The Official Red Band Trailer

Ilang beses ba silang naghalikan?

“Ay! Ay! Hindi ko na alam. Hindi ko talaga mabilang!” nakangiting bulalas ni Kiko nang mag-guest sa Saturday night radio program ni ka-Troikang Noel Ferrer noong Enero 5, Sabado, sa Radyo Inquirer, Mola St., Makati City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, yung freedom na ibinigay ni Direk Perci sa amin, as in... ang lawak! Pag gusto mo siyang i-kiss, i-kiss mo.’

“There were times na parang lambingan, 'tapos na-feel ko lang mag-kiss... a smooch...”

Meron bang tongue a la-Tony Labrusca sa Glorious?

“Siguro, meron. Hindi ko na lang maalala,” pag-amin ni Kiko.

“Basta, masaya siya! Sobrang saya siyang pelikula.”

Ano ang naramdaman niya sa halikan nila ni Martin?

Natigilan sandali si Kiko at tila tinimbang na mabuti ang sasabihin, “What I was supposed to feel was... siyempre, in love. And ahhh... kailangan mong pumasok sa buhay nung taong yun...

“Kailangang ma-appreciate mo yun... Pero ngayon, kung iisipin ko yun, para akong naduduwal! Ha! Ha! Ha! Ha!

“Eto, meron pang trivia. Towards the last episode na, sa sobrang daming kissing scenes, yung pinakahuling kissing scene ko... parang sobrang tagal... naduduwal na ako.

“Umhh! Gumaganun pero hindi ko inano, hindi ko ipinakita. Kasi, gusto ko nang matapos yung eksena. Ayokong maulit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero dumating na ako sa point na yun, na siyempre, yung totoo kong ano, bumabalik. Nagbe-break na yung character ko... to reality.

“And I’m not perfect. But that happened. I just wanna be honest and share it na nangyari iyon at the very last day...”

Mapapanood ang uncensored version ng Born Beautiful bukas, Enero 18, Biyernes ng 7:00 PM, sa UP Cine Adarna, UP Diliman, QC.

NOEL FERRER: Pabirong sinagot ni Kiko yung playtime na tanong na yun.

At sabi niya, kung may karanasan man siya dati, pribado na lang yun na kasama sa kanyang nakaraan.

Ang nakakatuwa lang sa Born Beautiful, game na game ang mga bida nito sa kanilang pinaggagagawa. Walang inhibitions at kumportable sila rito.

At all out din ang kanilang pagpo-promote, ha! Kahapon, lumipad papuntang Cebu (in time for the Sinulog week) sina Martin del Rosario at Direk Perci Intalan.

Sa Sabado, 7:30-10:00 P.M., sila ang guests natin sa Level Up Showbiz Saturdate sa Radyo Inquirer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Exciting ang uncensored preview bukas sa UP Diliman which will be playing to an SRO crowd.

Advance congratulations, Team Born Beautiful!

GORGY RULA: Bukas sa special screening nito sa Cine Adarna sa UP Diliman ay huhusgahan kung mahihigitan ba o mapantayan nitong Born Beautiful ang Die Beautiful ni Paolo Ballesteros na idinirek ni Jun Lana.

Maganda ang pagtanggap sa Die Beautiful kahit walang halikan na ibinebenta sa promo ng pelikula.

Sana, meron pang ibang puwedeng pag-usapan sa Born Beautiful bukod sa pakikipaglaplapan ni Martin kina Kiko at Akihiro Blanco.

Panoorin muna natin iyan bukas!


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN