Best Actor winner ng GEMS, umaapelang Best Actress dapat siya

NOEL FERRER: First things first, salamat sa bumubuo ng GEMS (Guild of Educators, Mentors and Students) para sa parangal na igagawad nila sa atin for the second time as Best Male Entertainment Broadcaster na gaganapin sa De La Salle Alabang sa Marso 21.

Kaugnay nito, naghinga ng hinaing ang pinuno ng GEMS na si Teacher Norman Llaguno na medyo na-spoil ang kaarawan niya dahil sa kuda ng producer at director ng pelikulang Mamu; and a Mother Too.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Cast of Mamu; and a Mother Too
 IMAGE Noel Orsal

May nagpayo kay Teacher Norman na huwag nang “patola.”

Sabi naman ng iba ay sagutin dahil sanay iyan sa balitaktakan.

Pero tama ang pinuno ng GEMS na hindi ganoong publisidad ang kailangan niya. Baka mas kailangan ng Mamu ang publisidad kung magkakaroon ito ng commercial run.

Pero legit ang concern na na-raise dito, ha? Saan ba ilalagay na kategorya ang isang tulad ng transgernder woman na si Iyah Mina—sa best actor ba o best actress?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ani Teacher Norman, “May pamantayan at panukatan kaming sinusunod sa GEMS. Prerogatibo naming ilagay ang sinuman sa kategoriyang pinaniniwalaan naming dapat nilang kalagyan.

“Ang igting ng pagganap ang tinimbang namin at hindi ang kasarian ni Iyah. Hindi ang PAGKATAO niya kundi ang PAGIGING TAO niya sa kabuuan ng pelikula.

“Hindi naman naiba ang ari niya; natapos ang pelikulang t*t* pa rin naman ang nasa pagitan ng hita niya!!!!” pagdidiin ni Teacher Norman ng GEMS.

Ano ang say ninyo, mga Ka-Troika?

JERRY OLEA: Itnanghal na best actress si Iyah Mina sa awards night ng 14th Cinema One Originals filmfest noong Oktubre para sa Mamu; and a Mother Too.

Debut role niya iyon, at siya ang first transgender woman na nag-best actor sa local movie industry.

Kung ayaw niyang maging best actor ng GEMS, tanggihan na lang niya ang parangal.

Ang best actress ng GEMS eh si Glaiza de Castro para sa Liway.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang para kay Glaiza ay para kay Glaiza.

Kung may passport si Iyah, ano ba ang gender niya na nakalagay roon?

GORGY RULA: Sino po si Iyah Mina? Kasi, alam ko, mas marami pa ring award si Ara Mina.

Kailangan bang seryosohin ang hanash nitong si Iyah, e, hindi nga niya sineryoso ang totoong kasarian niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinanggap naman kung ano ang choice nya sa buhay niya, tanggapin na rin sana niya kung ano ang tingin ng ibang tao sa kanya.

Kung sa pananaw ng mga taga-GEMS ay nasa hanay siya sa ng lead actors, respetuhin na lang niya.

Kung hindi niya ito matatanggap, huwag na lang siyang sumipot sa awarding.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN