Janine Gutierrez, kampante na ngayong may asawa na ulit ang inang si Lotlot de Leon

by PEP Troika
Jan 17, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal / Lotlot de Leon Instagram

GORGY RULA: Pagkatapos magpakasal ni Lotlot de Leon at ng long-time boyfriend niyang si Fadi El Soury, nakakakampante na si Janine Gutierrez at mga kapatid niya dahil nakikita raw nilang settled na ang mama nila.

 IMAGE Noel Orsal / Loltlot de Leon Instagram

Wala raw gaanong adjustment after the wedding dahil matagal na ang relasyon ng dalawa.

Continue reading below ↓

Six years na magkasintahan sina Lotlot at Fadi bago sila ikinasal sa Batangas noong December 17, 2018.

"Yung wedding, parang sinilebreyt lang talaga, e," pakli ni Janine nang nakatsikahan namin sa presscon ng pelikula niyang Elise ng Regal Entertainment.

Since okey na si Lotlot, kinumusta na rin namin kay Janine ang ama niyang si Monching Gutierrez. May balak na rin ba itong magpakasal?

Sagot ni Janine: "Sabi kasi niya, hindi na siya nagbabalak na magpakasal uli, e. Pero tingnan natin, hindi naman natin masabi.

"Wala pa kasi siya ipinakilala sa amin ever since na girlfriend, e.

"So, happy na lang siya na abala na lang siya sa amin siguro."

Sakaling may makita at makilala na bagong iibigin si Monching, tatanggapin daw nila basta masaya lang ang papa nila.

NOEL FERRER: Ngayong nahanap na ni Lotlot ang kanyang forever, ang tanong natin ay kung pang-forever na rin ba ang espesyal na lalaki sa buhay ni Janine.

Continue reading below ↓

Dasal natin na sila rin ni Rayver Cruz ay magkatuluyan sa huli.

Pero para everybody happy, sana ay makahanap din si Ate Guy ng forever na maglalapit at magbubuo sa kanilang pamilya.

Sa huli’t huli, umaasa pa rin ako sa kumpas ng langit.

Sana, mabuo muli ang pamilya ni Balot!!!

JERRY OLEA: Napakasarap magmahal. Maligaya tayo para kay Lotlot na may pangalawang glorya matapos silang maghiwalay ni Monching.

Bata pa si Janine. Huwag natin siyang madaliin.

Si Nora... makulay ang kanyang buhay pag-ibig.

Sa usaping pamilya nina Lotlot at Nora, hayaan na lang natin ang panahon at tadhana ang kusang magbuklod sa kanila.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal / Lotlot de Leon Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results