Akihiro Blanco, may pasabog na sexy pictorial

IMAGE David Fabros


NOEL FERRER: Mapalad tayo at sa PEP Troika unang makikita ang pasilip ng sexy pictorial ni Akihiro Blanco, na nataong kasabay ng special screening ng Uncut Version ng Born Beautiful ngayong Enero 18, Biyernes ng gabi sam UP Cine Adarna, UP Diliman, QC.

Ito ang kanyang first sexy pictorial ever na kinunan ni David Fabros. Makakasama rin ito sa libro na Fab Men Book na lalabas this summer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE David Fabros

“Ang hirap lang pong kumbinsihin ng mga tao na binata na ako, dahil ang tingin nila sa akin, parang high school student pa rin lang,” sabi ni Aki, na kinakitaan ng kakaibang kapangahasan dahil napapayag siyang mag-butt exposure para sa book pictorial.

May plano pang gumawa ng follow-up shoot na parang “woke up like this” lang, pero sa beach naman next time.

“Magpapakundisyon pa po akong lalo ng katawan ko dahil work-in-progress pa lang po ito.

“Pero good start na po ito at maraming magagandang nangyayari sa career ko now. Maraming salamat sa suporta ng mga tao,” sambit ng mabait na talent naming si Aki.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE Davd Fabros

Sana, dahil dito ay mas mahalin ng tao ang Team Aki (Team Michael) para kay Barbs sa Born Beautiful—na sa Cignal TV Series ay hindi pa pala nasu-shoot ang ending.

Pero heto, pelikula na muna na showing na sa January 23, directed by Perci Intalan.

Kasama ni Aki sa pictorial ang magaling ding aktor na si Jomari Angeles (ng Ma' Rosa at Kid Kulafu noon) mula sa teleseryeng Playhouse.

May this pictorial make people see them in a different light.

GORGY RULA: Malaki na ang in-improve ni Aki? Pero mukha pa rin siyang bagets.

Saka okay na ring Aki Blanco ang gamitin na niyang screen name.

Kayang-kaya nang tapatan ni Aki ang classmates niya sa Star Academy na sina Vin Abrenica at Marc Neumann.

Sana, i-push pa sila dahil kailangan na natin ng mga bagong leading men.

JERRY OLEA: Naku! Sa aklat pala tampok ang pwetmalung litrato ni Aki!

Doon pa lang masesentensiyahan ang kanyang pasabog.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sweet as Toblerone ang dating sa akin ng age-appropriate photos ni Aki na pam-press release, na tumpak lang siguro dahil tamis-tamisan ang mga halikan nila ni Martin del Rosario.

Kung pasabog ang pag-uusapan, bumabalik-balik sa aking diwa ang kapirasong laman ni Marc Neumann sa scandalicious video.

Siyanga pala, ang isa pang leading man ni Martin na si Kiko Matos ay babad ang frontal nudity sa Cinemalaya 2018 short film na You, Me and Mr. Wiggles.

Kaya ba iyong tapatan ni Aki?


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN