GORGY RULA: “How sad naman!”
Iyan ang initial reacton ni Xian Lim nang ipinarating namin sa kanya ang balitang posibleng hindi na sasali ang Pilipinas sa Miss Grand International.

Dalawang beses nag-host si Xian sa naturang international beauty pageant at nag-enjoy raw siya talaga.
“Sana naman, hindi mawalan ng pag-asa… I think nagkaroon lang ng isyu doon sa isang post.
“I hope na sana, next year makasali pa ang Pilipinas. Kasi, iyon naman ang strength natin sa mga pageants. May edge naman talaga ang mga Filipina.
“It’s always nice to have the Philippines sa pageant world, kasi yun talaga ang isa sa mga strengths natin, e.
“Beautiful inside and out naman talaga ang mga Filipina. Sayang naman.
"Sana matuloy pa rin ang Philippines sa Miss Grand International,” pahayag ni Xian nang nakausap namin sa mediacon ng pelikula niyang Hanggang Kailan, na magsu-showing na sa February 6.
Ang paghu-host sa mga beauty pageant ang isa sa ini-enjoy ni Xian, kaya okay lang sa kanyang mabigyan pa siya ng ganoong hosting job.
“Ever since I’ve started doing Binibining Pilipinas, kumbaga nagkaroon na siya ng lugar sa puso ko, e—to be a host.
“Ang saya lang, being able to spend time with the crowd introducing all the candidates really has a place in my heart. I feel very comfortable doing it,” sabi pa niya.
NOEL FERRER: Hosting is actually one of Xian’s strengths.
In fact, because of his being articulate at ang kanyang matikas na tindig, na-develop ni Xian ang skill na ito.
Nandun ako nung unang nag-host si Xian ng Binibining Pilipinas with Iza Calzado. Kimi at conscious pa siya noon, pero ngayon ay mas bihasa na siya.
About Xian’s new movie, sana nga ay kagatin ito ng masa because it looks like a polished love story with a leading lady na halos hindi ko mamukhaan noong una.
Akala ng iba ay si Danica Sotto at Ana Capri... si Louise delos Reyes pala!
Sana, mag-work ang kanilang chemistry sa movie.
JERRY OLEA: Mahihimatay ba tayo kung hindi na sumali ang Pilipinas sa Miss Grand International?
Noong 2013 lamang nag-umpisa ang timpalak na ito, at ang kasalukuyang title holder nito na si Clara Sosa (ng Paraguay) ay nagmaganda sa Instagram kaugnay sa pagwawagi ni Catriona Gray sa Miss Universe.
Good news para sa masusugid na tagahanga ni Catriona kung iitsa-pwerahin ng Pilipinas ang paglahok sa paligsahang iyan.
Cooking show ba kamo?!
Tungkol naman sa bagong pelikula ni Xian... nawa’y makatulong dito ang pagpapalit ng titulo.
Originally titled iyon na Baka Hanggang Dito Na Lang, na negatron ang dating.
May hangganan agad-agad sa takilya ng 1997 movie na Hanggang Dito Na Lang, na bida sina Hilda Koronel, Edu Manzano, Dindi Gallardo, at Jenny Syquia.
Ginawang Hanggang Kailan ang title ng movie ni Xian.
Aba! Kumita ang 1993 Viva movie na Hanggang Saan... Hanggang Kailan? kung saan memorable ang confrontation nina Dina Bonnevie at Alice Dixson bilang half-sisters na Ilustre.
Bida rin sa nasabing movie sina Vina Morales, Cesar Montano, Gary Estrada, at Rustom Padilla.
Sa party scene, sabi ni Blanca (Dina Bonnevie), “Umuwi ka ng probinsya at maglaba ka. Mamalantsa ka at magsibak ka ng kahoy. At... tanggalan mo ng uod ang mga dahon ng tabako! Doon ka bagay... lupa!”
Sagot ni Ester (Alice Dixson), “Kung ako’y lupa, ika’y burak. Kasimbaho ng bibig ang pag-uugali mo! Oo, tatanggalin ko ang mga uod... ikaw ang uod. Titirisin kita! Tatapak-tapakan kita! Pagkatapos, iiitsa kita sa baga para mawala ang mga katulad mo sa mundo!”