Bea Binene, sikat sa Peru, Ecuador, Kenya

GORGY RULA: Sikat pala sina Bea Binene at Derrick Monasterio sa ibang bansa ng South America gaya ng Peru at Ecuador, pati sa ilang bansa ng Africa dahil napapanood at nag-hit pala roon ang drama series nilang Hanggang Makita Kang Muli.

 IMAGE Gorgy Rula

Nagulat si Bea dahil ang dami raw niyang followers na galing sa naturang bansa at nagmi-message sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento ni Bea nang nakatsikahan namin nitong January 19, Sabado sa mini-presscon ng pelikula niyang Ang Sikreto ng Piso, “Sobrang nakakataba ng puso kasi bukod sa napapanood nila dun, ang daming nagmi-message sa akin, nagdi-DM [direct message] sa akin na sana, makapunta ako ng Peru. Sana, makapunta raw ako ng Kenya, sa Africa, sa Ecuador, ganyan.

“'Tapos, ang sinasabi nila, Espanyol pa. Kasi, feeling ko, baka hindi sila marunong mag-English. So, ako ginu-Google translate ko pa, 'tapos sinasagot ko, English, na ginu-Goggle translate ko rin na Spanish, 'tapos, i-send ko sa kanila. Sinasagot ko talaga sila, kasi sobrang nakakatuwa.

“Sobrang saya, kasi iba rin sa pakiramdam na hindi lang sa Pilipinas ka napapanood, di ba?

“Tapos, i-search ko sa YouTube yung trailers, naka-dub talaga ng Espanyol. Medyo weird pero ang saya… kasi, di ba, tayo nanonood din mga Koreanovela ganyan, parang ganun din sa kanila.

“Ibang feeling na sana… hopeful din ako na makapunta ako sa kanila and visit them. Sinasabi nila na sana, makapunta raw ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Balak na rin niyang magbiyahe, baka subukan niyang pumunta ng Peru at magtambay sa isang coffee shop at mag-message sa Instagram niya, para magkita sila ng fans niya roon.

Sa January 30 na pala ang showing nitong pelikula ni Bea na Sikreto ng Piso kasama sina Gelli de Belen at Ariel Rivera.

Kung matapos on time ang Bato the Movie na balak nilang ihabol bago ang campaign period, maaring ito ang makakatapat ng Sikreto ng Piso.

JERRY OLEA: Nawa’y magsipag pa si Bea sa promo ng kanyang movie para hindi sikreto ang dating nito.

Sana, tangkilikin ito ng lahat ng fans niya na nasa Pilipinas.

NOEL FERRER: Sa programa ko sa radyo, napag-usapan na ang problema ni Bea, hanggang ngayon ay mukha pa siyang bata sa paningin ng nakararami.

Ang tanong namin, will a change in name at packaging be beneficial to her? OK kaya siyang magpa-mature na?

Puwede naman, di ba? Mahanap sana ng tao hindi lang ang sikreto ng piso kundi ang sikreto ni Bea!!!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN