Chai Fonacier at Martin del Rosario, nakailang take sa sex scene nila sa Born Beautiful

IMAGE Jerry Olea / Born Beautiful Red Band Trailer


JERRY OLEA: Tawang-tawa sina Chai Fonacier at Martin del Rosario nang kunan ang sex scene nila sa Born Beautiful.

“Iyong eksena namin ni Martin, shinoot namin yun, umaga na. As in last scene na talaga,” bungad ni Chai.

 IMAGE Jerry Olea / Born Beautiful Red Band Trailer

Nakausap namin si Chai matapos ang screening ng uncensored version ng movie, noong Enero 18, Biyernes ng gabi, sa UP Film Center, UP-Diliman, Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakailang take kami, kasi tawang-tawa kami. Yung AD [assistant director] namin, natatawa sa likod ng monitor.

“Ilang take kami no’n, kasi... alam mo yung napakakomportable na ninyo, nag-uusap kayo bilang good acquaintances and co-workers.

“'Tapos, biglang maglalampungan kayo! Sa eksena, di ba? Hahahaha! Di ba?"

Sa Born Beautiful, gumanap si Chai bilang si Yumi Dimaculangan, ang pokpok na gumising sa pagkalalaki ni Barbs Cordero, ang karakter na ginampanan ni Martin.

“'Tapos, meron pang [eksena bilang] bakla siya, hindi niya alam kung saan ipapasok. Magka-cut. Magtatawanan kami. Ganun siya kakomportable.

"Eventually, nahanap namin kung paano susuportahan ang isa’t isa na hindi na kami tatawa.”

Pinangunahan nina (L-R) Direk Perci Intalan, Kiko Matos, Martin del Rosaro, at Akihiro Blanco ang screening ng uncensored version ng Born Beautiful.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE Jerry Olea

GORGY RULA: Puwede na ngang magbida si Chai, kaya lang, hindi umepek ang launching movie niya bilang lead star.

Kahit supporting actress siya sa Born Beautiful, pinag-usapan din siya sa pelikulang ito.

Kaya okay na muna ang mag-support-support dahil nagagampanan niya ito nang maayos.

Dapat na galingan talaga ng mga bida sa isang project, dahil kapag si Chai ang kaeksena nila, nasasapawan sila nang bonggang-bongga ng Cebuanang aktres na ito.

JERRY OLEA: Ang galing-galing ni Chai Fonacier bilang lesbian sa pelikulang Patay Na Si Hesus noong 2016. Kapani-paniwala na tibo siya.

Sa Born Beautiful, convincing din na pokpok siya.

“That’s my job. I get into different lives,” napangiting sambit ni Chai.

“What I like about this character is that, ano siya, Cebuana pa rin siya. Yung background niya, galing talaga ng Cebu.

“Pero never siyang pinagtawanan dahil sa accent niya, dahil sa origins niya, di ba?"

Ipinaliwanag din ni Chai na bawat karakter sa Born Beautiful ay kumakatawan sa mga isyu sa lipunan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, ano sila, e... magkakasama silang marginalized, e.

"So, yun ang shared experience nila kaya siguro sila nagkumpul-kumpol at kung anu-ano pang pinagdaanan nila.

“And most importantly, I like the message of the entire project. It says so much [about what] we need to discuss talaga these days.”

Kabilang sa mga hanash ng pelikula na puwedeng dalirutin at himayin ay kaugnay sa abortion, feminism, dysfunctional family, sexual liberation, at kaipokritohan ng religious leaders.

“Nagustuhan ko na may sense of empowerment yung mga karakter sa story kahit nasa laylayan na sila ng lipunan kumbaga,” pahayag ni Chai.

NOEL FERRER: I am a fan of Chai. Hindi lang siya mahusay na akres, magaling din siyang singer na may iba’t ibang advocacy.

Si Chai ay isang ARTIST in the true sense of the word.

Sana, patuloy na lumawak ang kanyang sphere of influence and inspiration.

JERRY OLEA: Paano ilalarawan ni Chai ang kanyang sekswalidad? Meron bang bahid ng lesbianism? May fluidity?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Seryosong tugon ng aktres, “I believe that gender and sexuality are fluid. Ngayon, straight ako.

“I’m open to the possibility that maybe, later on, I will find out na... oh, I can fall in love with a woman, with a person of same sex.

“Maybe I’ll fall in love with a gay person, I’ve no idea!

“Because I am of the belief na ang pagmamahal ay hindi talaga kumikilala ng [gender]. Vessel lang yung katawan, e. Sa tao ka nai-in love talaga.

“Iyong pagkatao niya. Kung sino siya. Which is why I’m a very strong ally of the LGBT [lesbian, gay, bisexual, transgender] community.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN