NOEL FERRER: Ni-reconsider ng MTRCB on second viewing ang Born Beautiful.
At ngayo’y mainit-init pa: dalawang versions ang ipalalabas sa mga sinehan—ang original na R18 at ang santized na R16!
Kasama sa R18 version ang ilang maseselang eksena at mga lengguwahe, habang sa R16 naman ay pinutol o binawasan ang mga naturang eksena.
Ang R16 ang ipalalabas sa SM Cinemas.

Masaya si Direk Perci Intalan at ang cast nito... at pinapupurihan ang progresibo at bukas na isip ng MTRCB headed by Chairman Rachel Arenas!
JERRY OLEA: Ayon sa source ng PEP Troika, ang MTRCB members sa second review ay sina Federico Moreno, Luke Mejares, at Raquel Cruz.
Si MTRCB Chair Arenas ang nag-facilitate ng final deliberations, pero wala siyang voting right.
Reaksiyon ni Direk Perci Intalan, “Maraming-maraming salamat sa MTRCB, kasi, after the UP screening, they heard the overwhelmingly positive reaction mula sa lahat ng nakapanood and they were open to reviewing the film and finally granted us an R-16 rating!
“Salamat kay Chair Rachel!”
Yehey! Puwede nang ipalabas sa SM cinemas ang beautiful film na ito, kung saan agaw-eksena sina Lou Veloso, Paolo Ballesteros at Chai Fonacier!
Mabuhay!
GORGY RULA: Dahil ang Born Beautiful ang nag-iisang bagong Tagalog film na ipapalabas sa January 23, Wednesday, binigyan naman ng chance ang MMFF 2018 entry na The Girl in the Orange Dress na maipalabas uli sa ilang sinehan.
In-announce ni Atty. Joji Alonso sa Instagram account niya na mapapanood sa mga piling sinehan ang pelikulang ito nina Jericho Rosales at Jessy Mendiola sa halagang PHP150 ang ticket.