Akihiro Blanco, mas kinabahan sa sexy pictorial kumpara sa paghuhubad sa pelikula

IMAGE David Fabros


JERRY OLEA: Masaya si Akihiro Blanco sa photo shoot niya noong Enero 17, Huwebes, para sa libro ni David Fabros, kung saan meron siyang butt exposure.

 IMAGE David Fabros

“Maraming salamat po kay Sir Dave dahil ang gaganda po ng shots na yun,” nakangiting sambit ni Aki nang makausap ko bago ang screening ng uncensored version ng Born Beautiful noong Enero 18, Biyernes, sa UP Film Institute, UP Diliman, QC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“For me po, mas nakakakaba yun kesa sa films na nagpapakita ka ng katawan. Kasi, sa mga pictorial na ganun, wala kang karakter, sarili mo lang ang dala mo.

“Pag ginagawa mo sa film, pag naghuhubad ka, meron kang karakter. May story. So, parang... may pinagdadaanan ang paghuhubad.

“Sa pictorial, doon talaga, kailangan, Aki ka. Puno yung confidence mo para ipakita yung katawan mo.

“Happy naman ako na nagawa ko. Natapos ko.”

Nagbuyangyang na si Aki ng puwet sa pelikulang Immaculada, kung saan kaeksena niya si Ara Mina.

Ipalalabas ang Born Beautiful simula Enero 23, Miyerkules, sa mga sinehan nationwide.

NOEL FERRER: Abangan nila si Akihiro sa pagbisita niya sa mga sinehan sa opening day nito.

Malay mo, may pahalik o pasilip o pamudmod na gagawin ang Born Beautiful na umaani ng magagandang reviews sa mga nakapanood na nito.

Heto pa ang pasilip ng sexy na Aki sa Fab Men Book ng photographer na si David Fabros:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE David Fabros

GORGY RULA: Ang gaganda ng mga komentong naririnig ko tungkol kay Aki mula sa mga nakapanood ng Born Beautiful.

Ang laki raw ng ipinagbago at sobrang guwapo raw niya sa pelikula.

At least, nakikita ko na sa kanya kung ano ang tatahakin niya sa kanyang career.

Pinasok pa kasi niya noon ang pagsusulat at pagdidirek ng pelikula.

May mga nagawa na raw siya noon na short film at merong gustong idirek na romcom. Hindi ko alam kung natuloy niya yun.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN