US President Donald Trump, nominadong Worst Actor sa Razzies

US President Donald Trump, nominadong Worst Actor sa Razzies
by PEP Troika
Jan 22, 2019

JERRY OLEA: Kabilang si US President Donald J. Trump (archival footage sa documentary na Death of A Nation) sa mga nominadong WORST ACTOR sa 39th Golden Raspberry Awards o Razzies.

Katunggali ni Trump sa kategoryang ito sina Johnny Depp (boses sa Sherlock Gnomes), Will Ferrell (Holmes & Watson), John Travolta (Gotti), at Bruce Willis (Death Wish).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nominado namang WORST SUPPORTING ACTRESS si US First Lady Melania Trump (as herself, sa documentary na Fahrenheit 9/11), at kaagaw niya sa nasabing award sina Kellyanne Conway (Fahrenheit 11/9), Marcia Gay Harden (Fifty Shades Freed), Kelly Preston (Gotti), at Jaz Sinclair (Slender Man).

Ang 2019 Razzie Awards nominations ay inihayag nitong Enero 21, Lunes, sa YouTube channel ng Razzie Awards.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang winners ay ihahayag sa Pebrero 23, sa bisperas ng 91st Academy Awards o Oscars.

Ang halaga ng bawat tropeyo ay $4.97.

Magkakalaban bilang WORST ACTRESS sina Jennifer Garner (Peppermint), Amber Heard (London Fields), Melissa McCarthy (The Happytime Murders at Life of the Party), Helen Mirren (Winchester), at Amanda Seyfried (The Clapper)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nominadong WORST SUPPORTING ACTOR sina Jamie Foxx (Robin Hood), Ludacris (boses sa Show Dogs), Joel McHale (The Happytime Murders), John C. Reilly (Holmes & Watson), at Justice Smith (Jurassic World: Fallen Kingdom).

Nominadong WORST PICTURE ang Gotti, The Happytime Murders, Holmes & Watson, Robin Hood, at Winchester.

NOEL FERRER: May punto sa aking pagiging batang kritiko na nag-isip din kung uubra ang ganitong parangal sa Pilipinas—ang pagkakaroon ng Worst Picture, Actors, at iba pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Habang maganda at maaaring sabihing kasama na rito ang audience education at ang element ng katuwaan, baka hindi kakayanin ng maramdaming Pinoy na manlilikha ng ganitong nega ang connotation.

Sasabihin ng mga film producers dito na mas mainam na ang papurihan ang mahuhusay kaysa manlait sa isang proyektong pinaghirapan nila.

With this, hihintayin na lang natin ang Oscar nominees maya-maya! Exciting!

GORGY RULA: Hindi nagtagal ang ginawang Golden Rats awards noong 1990s sa local movie industry.

Hindi ito pinansin ng mga artistang nakitaan ng worst performance.

Ang worst sa kanila, maaring best naman sa ibang grupo. Kaya doon na lang tayo sa 'best' para walang nega.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results