JERRY OLEA: Humarap sina Pia Wurtzbach, Ian Veneracion, at KZ Tandingan sa media nitong Enero 22, Martes, sa NCCA office, Intramuros, Manila, bilang Arts Ambassadors.

Ipu-promote nila ang mga Sining at Kultura sa Pebrero kaugnay sa pagdiriwang ng National Arts Month.
“Ani ng Sining” ang tema ng festivity ngayong taon, at ang theme song nito ay inawit ni KZ, mula sa mga titik ni Joey Ayala.
Masigabo ang palakpakan sa pagkanta ni KZ, at bonggang-bongga rin ang pag-awit niya ng millennial version ng "Ako’y Isang Pinoy" (orig ni Florante).
May mga sumigaw ng “More! More!” pagkaawit ni KZ, nguni’t nagpasubali ito na magsasalita pa si Ian.
Walong visual artists ang nag-drawing kina Pia, Ian, at KZ habang ongoing ang mediacon. Ipinagkaloob kapagkuwan sa kanila ang mga drawing.
Pinagkalooban din ang tatlong artist ng mga manika at musical instrument.
Arts Ambassadors din ngayong 2019 sina Heart Evangelista, Boy Abunda at Maestro Ryan Cayabyab.
Buong buwan ng Pebrero ang pagdiriwang, na ilulunsad sa iba’t ibang lugar sa bansa:
Pebrero 1 sa Bago City, Negros Occidental (Visayas)
Pebrero 3 sa Lucky Chinatown Mall, Binondo, Manila (NCR)
Pebrero 11 sa Bagac, Bataan
Pebrero 15 sa Koronadal City, South Cotabato.
May aktibididades araw-araw sa Pebrero tampok ang flagship projects ng pitong pambansang komite—saklaw ang Architecture, Cinema, Dance, Literary Arts (sinangkapan ng Culinary Arts), Music, Dramatic Arts, at Visual Arts.
NOEL FERRER: Maganda itong parangal na nagaganap na Ani Ng Sining, pero mas masuwerte yung mga taga-pelikula dahil maliban sa parangal sa iba’t ibang larangan ng sining ng NCCA, meron pang initiative ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) na fourth FDCP Film Ambassadors’ Night on February 10, 2019 sa Samsung Hall ng SM Aura Premier, Bonifacio Global City.
Katatapos din lang ng Inquirer ng kanilang IndieBravo kaya waging-wagi ang ating film artists.
Sana, ganun din sa ibang fields ng sining.
GORGY RULA: Maganda ang mensahe ni Pia Wurtzbach tungkol sa pagiging ambassador para ma-promote ang ating sining at kultura.
Lahat daw tayo ay may karapatang mag-represent ng ating bansa para makilala sa buong mundo.
Pahayag ni Pia, “Every time I think about art, ang naiisip ko po, may story na kasama, may history.
“If you want to know more about the country, about the history, you look at the art, and then you will see kung sino ba talaga sila. Ang identity natin, nakikita sa art.
“Iba na ang panahon ngayon, it’s age of millennials, pero I hope we don’t forget to support our local artists and to support cultural arts in the Philippines.
“Kasi, kahit anong year pa naman ngayon, lilingon pa rin sa pinanggalingan mo, and you will always go back to find out kung sino ka ba talaga, kung saan ba ako galing, and who am I really as a Filipino?
“So, sana lahat po ‘yan, tuluy-tuloy nating suportahan.
“And bilang isang beauty queen, tuwing nahaharap po kami sa mga banyaga sa ibang bansa, parang naging ambassador na rin po kami, parang naging representative na rin po kami.
“Kasi, kahit sana man kami pupunta sa mundo, they will always think of Philippines and everywhere we really represent the Philippines.
“Sana, hindi lang mga beauty queen, mga artista o mga artists, sana tayong lahat, ang mga estudyante, mga teachers na nandito sa Pilipinas, may mga nanonood, lagi nating isipin na lahat tayo, ambassador tayo ng Philippines.
“Saan man tayo pumunta, lagi nating tandaan na, in some way, lagi tayong suot ang sash na Philippines, at tayo ang mga representatives.”
Si Ian naman ay suportado ang mga anak niyang nahihilig din sa pagpinta, sa music at visual arts.
“Every time we travel, yun ang unang pinupuntahan namin, yung museum, art galleries, anywhere. Gusto ko rin ma-expose ang anak ko sa arts,” pakli ng actor/painter.
Bilang isang Bisaya, naipaparating daw ni KZ ang sining at kultura ng ilang probinsiya sa Visayas at Mindanao.