Arjo Atayde, inaming exclusively dating na sila ni Maine Mendoza

GORGY RULA: Matipid ang mga sagot ni Arjo Atayde kapag tungkol kay Maine Mendoza ang mga tanong sa kanya sa presscon ng pelikulang ‘TOL na ginanap sa Playhub, sa Quezon City, nitong Enero 22, Martes ng gabi.

Pero inamin ng Kapamilya actor na "exclusively dating" na sila ngayon ng phenomenal star ng Eat Bulaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE Gorgy Rula / Noel Orsal

Diretsahan tinanong si Arjo kung sila na ba ni Maine.

Kaagad na sagot niya, “No, but we are exclusively dating, and I’m the happiest right now.

"Hanggang doon na lang po muna."

Sinundan namin ng tanong kung ano ang nagustuhan niya kay Maine, kung saan sila nagkakasundong dalawa.

“Everything. I’m just really happy,” mabilis na sagot ni Arjo.

Follow-up question uli namin kung si Maine ba ang nagpapasaya sa kanya ngayon.

“Yes,” mabilis niyang sagot.

Dagdag pa ni Arjo, “She makes me laugh all the time.”

JERRY OLEA: ArDub na nga! Confirmed! Arjo loves Yaya Dub! Walang charot!

Masaya si Alden Richards sa buhay niya. Masaya rin siya para kay Maine.

Sana, ito na ang tamang panahon upang maging masaya rin ang fans nina Alden at Maine kahit iba ang itinakda para sa kanilang iniidolo o sinasamba.

GORGY RULA: Nakikitang in love si Arjo at paulit-ulit niyang sinasabing masaya siya, pero hindi rin niya maitago ang galit sa patuloy na namba-bash sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tanggap daw niya ang lahat na panlalait sa kanya, pero yung idamay ang pamilya niya at pati na rin si Maine ay naba-bash, iyon ang ikinagalit niya.

Hinahamon ni Arjo sa bashers na sabihin ito sa harapan niya, huwag idaan sa social media.

“For me, to insult me is fine. I’m a very passive person.

"But to insult my family and Maine… sabi ko nga sa social media, I let it go, wala akong kalaban diyan, e.

"Do it in front of me, I’m sure I’m gonna hit the hell out of you.

“I don’t know how to get mad. I don’t know how to disrespect people. I despise disrespectful people.

“If they disrespect me, it’s fine though.

"But for my family to get affected, for Maine to be disrespected like anything, that’s not okay with me.

“But in front of me, try it. I dare you, guys. I dare you!” mariing pahayag ni Arjo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE Gorgy Rula

NOEL FERRER: Masaya ako na there’s someone na nagpakalalaki para magtapat ng pagmamahal kay Maine at seryosohin siya—and that is Arjo Atayde.

Walang paliguy-ligoy at sinsero ang pag-amin niyang exclusively dating sila.

Kaya itigil na ang pamba-bash ng netizens at pag-aakusa na nanggagamit si Arjo.

Ayun, o... nagmamahalan at nagkakaintindihan sila. Maging masaya na lang tayo sa kanila.

Sana, suportahan din ni Maine ang pelikula nina Arjo, Joross, at Ketchup na 'TOL, na showing na sa January 30, kasabay ang pelikulang Ang Sikreto ng Piso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Ketchup Eusebio, Joross Gamboa, Arjo Atayde, and Direk Mike Livelo
 IMAGE Gorgy Rula

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN