Brillante Mendoza, Treb Monteras, at iba pa pararangalan sa FDCP Film Ambassadors' Night

Brillante Mendoza at Treb Monteras, pararangalan sa FDCP Film Ambassadors' Night
by PEP Troika
Jan 23, 2019

JERRY OLEA: Walumpo’t lima (85) ang pararangalan ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa ikatlong FDCP Film Ambassadors’ Night na nakatakda sa Pebrero 10, Linggo, sa Samsung Hall ng SM Aura Premier, BGC, Taguig City.

Kabilang sa mga ito sina Shireen Seno (Nervous Translation), Treb Monteras II (Respeto), at Brillante Mendoza (Alpha, The Right to Kill) na pawang kinilala sa A-list filmfests.

Brillante Mendoza, Shireen Seno, and Treb Monteras II
 IMAGE File photos
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tatlo ang tatanggap ng Camera Obscura Artistic Excellence Award, na may kaakibat na tropeyo at P50,000 cash.

Itong Film Ambassadors’ Night ang hudyat ng pagsisimula ng centennial celebration ng Philippine cinema, alinsunod sa temang “Sandaan.”

Ang FDCP ay pinamumunuan ni Chairperson Liza Diño.

NOEL FERRER: Ano ang ipinagkaiba ng FDCP Film Ambassadors Night sa Ani Ng Dangal ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA), na magpaparangal din sa mga nagwagi sa international film festivals sa Pebrero 27?

Ganito rin ang ginagawa ng Indie Bravo ng Inquirer before the end of the year.

Kung tutuusin, suwerte na rin ang mga tagapelikula dahil marami ang kumikilala at nagbibigay ng karangalan sa kanila.

Sana, ganito rin sa ibang larangan.

Mabuhay ang pagpupunyaging ito ng FDCP!

GORGY RULA: Mula pa lang sa FDCP ang parangal na yun.

Meron pa rin daw kasing pararangalang mga kilala sa showbiz kaugnay sa pagdiriwang ng 100 Years of Philippine Cinema.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Isa kaya rito si Mother Lily Monteverde na malaki ang naiambag sa Philippine movie industry?

Balak din kasi ni Mother na gumawa ng isang malaking pelikula para sa pagdiriwang na ito. Nagtatanong lang muna siya kung ano pa ang puwede niyang gawin.

Ang alam ko, si Direk Brillante Mendoza ay meron na ring sinisimulang pelikula para sa 100 Years of Philippine Cinema.

Kahit sangkatutak na parangal ang igagawad, at madaragdagan ng ilan pang film festivals para sa malaking pagdiriwang ito, sana ay may gagawin pa rin ang producers at mga ahensiya sa Philippine movie industry kung paano palakasin sa takilya ang mga pelikula natin.

Ilang pelikula na bang naipalabas ngayong buwan, pero wala pa talagang tumabo sa takilya?

Marami pang kasunod, at mukhang nanganganib pa rin.

Ano ba ang puwedeng gawin para tauhin ang mga sinehan ng Pinoy films?

Tuwing MMFF lang kasi tayo nakakasigurong kumikita ang mga pelikula natin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results