GORGY RULA: Sabi ni Jessy Mendiola, ang nag-iisang leading lady ng tatlong bida sa pelikulang ‘TOL, si Joross Gamboa ang pinakanakakatawa sa lahat.

Nakakatawa rin daw si Ketchup Eusebio, pati si Arjo Atayde na bago pa lang sa comedy.
Pero kapag nasa eksena na si Joross, naloloka na lang daw si Jessy at nagugulat sa mga idinadagdag ng aktor sa eksena.
“Si Joross, grabe siya! Para siyang laging lasing.
“Yung mga eksena, magugulat kayo, may mga eksena na nagugulat ka na lang, kasi siya na lang ang gumagawa,” bulalas ni Jessy.
Tiyak daw na matutuwa si Luis Manzano sa mga ginawa sa kanya ng tatlong ‘TOL dahil yun din daw kasi ang humor ng kasintahan.
Sabi naman ni Joross, nagpaalam sila kay Luis, na close sa kanilang lahat.
Alam niyo bang nagagamit din minsan ni Joross ang pagiging komedyante niya kapag may isyu sila ng kanyang asawa?
Ayon sa aktor, sa loob ng sampung taon na relasyon nila, alam na alam na nitong nagpapalusot siya kapag may nagagawa siyang kasalanan.
“Alam na niya kapag lumiliit ang boses, yung parang duwende na yung nagsasalita, alam na niya.
“'Sino yung kasama mo dun sa ano?' 'Ewan ko, di ko alam [pinapaliit ang boses]...' Ay! Alam na niya.
"Pero ngayon, wala na yung duwende!
“Ngayon, hindi na, sampung taon na rin kami ng asawa ko, alam na niya kapag nagpapalusot ako, e.
“Pinapatawa ko na lang!” natatawang kuwento ni Joross sa mediacon ng ‘TOL nitong Enero 22, Martes.
Malaking bagay raw kasi na mayroong humor sa isang relasyon.
Ganun din daw sina Jessy at Luis dahil likas din ang pagiging komedyante ng actor-TV host.
NOEL FERRER: The universe has a way of balancing things.
Habang nananakot at pumapatay ng tao si Joross Gamboa sa high-rating show na Ang Probinsyano, nandiyan siyang nagpapatawa sa pelikulang 'TOL.
Meron din siyang directorial debut na Allergy In Love, na available na for streaming sa iWant starting this weekend.
Versatility at its finest, Joross has always been a joy to work with. And we are really proud of our talent!
JERRY OLEA: Comedy rin ang katapat ng 'TOL simula Enero 30 sa mga sinehan—ang movie nina Gelli de Belen at Ariel Rivera na Ang Sikreto ng Piso.
Magandang pambalanse ang katatawanan. Hindi ba’t ang Top 2 sa nakaraang MMFF ay parehong comedy?
Teka! Hindi kaya ma-preempt ng Allergy In Love itong 'TOL? S
inadya ba o nagkataon lang na ngayong weekend umpisahan ang streaming nito sa iWant, ilang araw bago ipalabas ang 'TOL sa mga sinehan?