Karen Gallman, maliit ang tsansa na manalong Miss Intercontinental?

by PEP Troika
Jan 23, 2019

JERRY OLEA: Kokoronahan ang 47th Miss Intercontinental sa Enero 26, Sabado ng gab,  sa SM MoA Arena, Pasay City.

Ang host country ay ang Japan.

Sa kasaysayan ng nasabing timpalak ay wala pang Pinay na nagwagi.

Ang kinatawan nating si Karen Gallman ay Media Favorite noong Media Presentation last January 10 sa Sofitel Philippine Plaza.

 IMAGE Jerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May dalawa pa itong awards mula sa sponsors bilang Stand Out Beauty (Havey na Havey sa Ganda) at Body Beautiful.

Llamado sina Miss Paraguay Gabriela Natasha Soley (best in swimsuit) at Miss Germany Olivia Möller (best in evening gown) dahil mga hurado ang naggawad ng kani-kanyang special award.

Inusisa namin ang psychic/spirit questor na si Atty. Nick Nangit sa chance ni Karen na magwagi.

Pahayag ni Atty. Nick nitong Enero 23, Miyerkules, sa pamamagitan ng Messenger, “Nakalulungkot man, ang tsansa ni Gallman ay manipis lamang. Ipinanganak siya sa Taon ng Unggoy na hindi gaanong paborable sa Taon ng Aso.

“Idagdag pa natin ang elemento niyang Hangin bilang Libra na dadaan lamang sa elemento ng Lupa ng Capricorn.

“At ang life path number niya na 4 ay hindi gaanong mapapansin ng numerong 3 sa araw ng kompetisyon.

“Ipagdasal na lang natin na makuha niya ang korona, bagama't kulay Brazilian opal o off-white na kumikinang ang tila magtatagumpay.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

NOEL FERRER: Taon pa ng Aso at hindi pa tayo sumasampa sa Year of the Pig!

Mas okey ang kapalaran ng Monkey after this Chinese New Year.

Magpagayunpaman, may free will tayo. Hawak pa rin natin ang ating kapalaran.

Kaya go, Karen, go pa rin!

Just give your best and do our country proud! That’ll be what will matter in the end.

GORGY RULA: Siyam ang bubuo sa Board of Judges, na ang uupong Chairperson ay ang CEO ng Miss Intercontinental Japan na siJoanna Leonisa Gimena Miyamae.

Darating mula Amerika ang aktor na nakilala sa primetime soap opera na Falcon Crest (1981-1990) at lumabas din sa crime drama na Renegade (1992-1997)—si Lorenzo Lamas.

Kabilang din sa mga hurado ang 2-time Emmy Awards winner na si Vincent de Paul, ang kilalang aktres sa Mexico at Miss Intercontinental 2010 na si Maydelise Columna, ang reigning Miss Intercontinental 2017 na si Veronica Salas, isang author at plastic surgeon mula sa Turkey na si Dr. Yasar Sariguil.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mula sa Pilipinas ay uupong judge ang dating PNP Chief na si Gen. Ronald ‘Bato’ dela Rosa, ang entrepreneur at presidente ng H&H Makeover Salon na si Wilbert Tolentino, at ang Philippine Elite Awardee at Forbes Ambassador of Style na si Marilyn de Mesa.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results