Born Beautiful, halos naka-one million sa box office nung first day

JERRY OLEA: Pecha de peligro ang January 23 playdate, kung saan Born Beautiful ang nag-iisang local movie na nagbukas.

Nag-open ito sa 169 sinehan noong Miyerkules, at ayon sa sources ng PEP Troika ay halos P1M ang first-day gross ng pelikula nina Martin del Rosario, Paolo Ballesteros, Kiko Matos, at Akihiro Blanco.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa January 30 playdate ay tatlong Pinoy films ang nagkumpulan.

Magbabakbakan ang BATO: The General Ronald de la Rosa Story (Robin Padilla, Beauty Gonzales, Kiko Estrada, and Kiko Matos), 'TOL (Joross Gamboa, Arjo Atayde, Ketchup Eusebio & Jessy Mendiola), at Ang Sikreto ng Piso (Gelli de Belen, Ariel Rivera, and Bea Binene).

Tatangkilikin kaya ng fans ni Maine Mendoza ang movie ni Arjo?

GORGY RULA: Tumaas daw ito sa gabi, kaya kung maganda talaga ang pelikula, puwedeng word of mouth at tataas ito sa weekend dahil walang pasok ang audience nitong Born Beautiful.

Sa susunod na linggo, itong tatlong pelikula na ang ipalalabas, at medyo duda pa tayo riyan.

Kaya sana, ma-promote pa nang matindi ang mga susunod pang pelikulang ipalalabas.

Tiyak na pinaghahandaan nang husto ng ABS-CBN kung paano nila ma-promote ang Valentine movie nina Liza Soberano at Enrique Gil na Alone/Together.

NOEL FERRER: Sana nga, dahil sa good word of mouth ay tumaas pa ang revenue ng mga pelikulang kailangan ng suporta natin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

From 169 theaters ay 171 na raw ang Born Beautiful dahil dumadagdag ang provincial theaters.

Sana ay mas maengganyo pa ang moviegoers na panoorin ang mga pelikulang Pinoy tulad ng Born Beautiful na tunay ngang matapang, maayos, at ang daming pinagdaanan.

JERRY OLEA: Ang premiere night ng Ang Sikreto ng Puso ay sa Enero 27, Linggo, 7:00 PM sa Cinema 7 ng SM Megamall, Mandaluyong City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Idinirek ito ni Perry Escaño, at kasama rin sa cast nito sina Angelica Ulip, Nico Nicolas, Lou Veloso, Ricky Rivero, Beverly Salviejo, Wacky Kiray, Ernie Garcia, Raphael Robes, Amberlicious, at Joyce Peñas Pilarsky (executive producer).

May meet-and-greet ang cast ng Ang Sikreto ng Piso sa opening day nito sa Enero 30, Miyerkules — 1:00 PM sa SM North Edsa, 4:00 PM sa SM Manila, 7:00 PM at 9:30 PM sa SM Mall of Asia.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN