Ahron Villena, nag-alangang gumanap bilang transgender woman

IMAGE MMK Twitter account


JERRY OLEA: Tiis-ganda si Ahron Villena bilang transgender sa "Rainbow Love" episode ng MMK, na mapapanood bukas, Enero 26, Sabado ng gabi, sa ABS-CBN.

Ahron Villena and Ritz Azul in MMK
 IMAGE MMK Twitter account

“Nahirapan po ako sa paglalagay ng packaging tape noong first day of taping,” sabi ni Ahron nang maka-chat ko sa Messenger nitong Enero 25, Biyernes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nagsugat po yung magkabilang gilid ko. Nagtubig.

“Hindi ko po kaya yung sakit kaya gumawa sila ng paraan noong second day.”

 IMAGE Courtesy of Ahron Villena

Nag-alangan ba siyang gampanan ang life story ng transgender na si Michael “Mitch” Talao?

Pag-amin ni Ahron, “Nung una po, nag-alinlangan ako. Kasi, hindi ko alam kung kaya kong gawin. First time kong gumawa ng transgender na role.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero naisip ko kasi, first work ko for 2019 at maganda ang role na ibinigay at ipinagkatiwala sa akin ng MMK, kaya tinanggap ko.

“At MMK kasi‘yun. Alam natin na maraming viewers ang MMK.”

Kumustang katrabaho si Ritz Azul na gumanap bilang dyowa niyang lesbian?

“Kumportable na po kami sa isa’t isa. Kasi, nagsama na kami before sa TV5, at nag-partner na rin kami sa isang indie film,” tugon ni Ahron.

“Magaan po yung trabaho namin, kasi, hindi na kami naiilang.

“Nagtulungan po kami lalo na sa mga mabibigat na eksena.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Ritz Azul and Ahron Villena in MMK
 IMAGE MMK Twitter

NOEL FERRER: Bromantic sina Paolo Contis at Kristoffer Martin sa episode na Fathers and Lovers ng Magpakailanman noong Enero 19, Sabado sa GMA 7.

Noong Enero 22, Martes, nag-first shooting day ang pelikulang Versus sa Hagonoy, Bulacan, kung saan babai-babaihan si Gabby Eigenmann.

View this post on Instagram

Ralston Jover’s VERSUS first shooting day.. hi-Lea #versus

A post shared by gabbyeigenmann (@gabbyeigenmann) on

Nitong Enero 23, Miyerkules, ipinalabas ang pelikulang Born Beautiful, kung saan haba-habaan ang hair ni Martin del Rosario, na pinag-agawan nina Kiko Matos at Akihiro Blanco.

And now, heto naman sina Ahron at Ritz.

Tingnan natin how they will fare bilang makabagong Jack & Jill.

GORGY RULA: May halong kabadingan din ang episode ng Magpakailanman bukas ng gabi, January 26.

Medyo seryoso nga lang, kung saan nahalay ang anak dito ni Gelli de Belen ng isang titser na ginampanan ni Lucho Ayala.

"Arrest My Son’s Rapist" ang title ng episode.

Magkakasunod ang kuwentong kabadingan, na kinagigiliwan namang panoorin sa TV.

Pero hindi naman naramdaman sa mga sinehan dahil hindi nga maganda ang response sa Born Beautiful.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napanood ko ito kagabi at naririnig ko ang hagikhikan ng karamihan sa mga nanonood.

Pero ewan ko ba, iilang eksena lang ako natawa. Hindi ako naaliw sa kabuuan ng pelikula.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN