Pagkapanalo ni Karen Gallman sa Miss Intercontinental, hometown decision?

IMAGE Binibining Pilipinas Twitter


JERRY OLEA: Edukasyon ang priority na nais palaganapin ni Karen Gallman matapos siyang koronahan bilang unang Pinay na Miss Intercontinental.

 IMAGE Binibining Pilipinas Twitter

“Well, for me, I’m an active volunteer sa orphanages,” pasakalye ni Karen nang mainterbyu namin nitong Enero 27, Linggo ng madaling-araw, sa backstage ng MoA Arena.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagpapatuloy ng dalaga, “But I would like to focus on my advocacy which is education—compulsory education—sa rural parts sa Philippines.

“Hopefully, I can make a change, and difference in the upcoming year.”

Power of Beauty ang motto ng timpalak.

Bibisita ba siya agad sa headquarter ng Miss Intercontinental sa Panama?

“That, I’m not sure yet,” mabilis na tugon ni Karen.

“We would have to discuss that with the organization the next few days...

“Hopefully! I haven’t been to Panama yet, so, I would love to! I would love to go there!”

Anong mensahe niya sa mga kababayang Boholano?

Napangiti nang matamis si Karen, “Daghang salamat sa inyong tanan! I know na you voted for me, and you’re watching on live stream.

“Thank you po. I hope I’ll see you, guys, soon!”

NOEL FERRER: Curious ako, paano nagwagi? Ano ang nangyari at paano tinanggap ng mga tao (pati ng co-candidates ang resulta)?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kahit Japan ang host country ng 47th edition ng Miss Intercontinental, hindi ba ito hometown decision?

In any case, congratulations, Karen! Sana, kayanin mo ang kaakibat na responsibilidad (at kontrobersiya) na dala ng bagong titulong ito!

GORGY RULA: Hindi na bago ang isyung "hometown decision" sa international beauty pageants.

Kung naalala ninyo, taong 2012 nang muntik nang masungkit ng kandidata nating si Janine Tugonon ang Miss Universe crown, pero napunta ito kay Miss USA Olivia Culpo, na sinasabi ng karamihan ay hometown decision, dahil ginanap ito sa Las Vegas, Nevada.

Pero mukhang deserved ni Olivia ang korona kaya hindi na lumaki ang isyung iyun.

Dito lang ginanap ang Miss Intercontinental 2018, pero production ito ng Miss Intercontinental-Japan.

Siyam ang miyembro ng Board of Judges, na apat dito ay galing sa Pilipinas.

Dinig ko, gustung-gusto ng dalawang Pinoy na hurado ang kandidata ng Paraguay, pero hindi ito nakapasok sa Top 6.

Maganda ang pagkasagot ni Karen sa Question-and-Answer portion, kaya siguro hindi na kabawasan ang isyung "hometown decision" sa pagkapanalo ni Karen lalo na’t first time nating napanalunan ang titulong Miss Intercontinental sa 47th edition nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NOEL FERRER: Pero ano itong puna ng mga kasamahan natin sa panulat na luma at cheap ang staging ng 47th Miss Intercontinental?

Yung umawit ay hindi raw abot at hindi maintindahan ang kanta?

Anyare? International pageant pa naman!


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN