Ketchup Eusebio, excited na maging daddy

IMAGE Gorgy Rula


NOEL FERRER: Nang mag-guest sa teleradyo program kong Level Up Showbiz Saturdate nitong Enero 26, Sabado sa DZIQ 990khz AM ang troika-barkada nina Arjo Atayde, Joross Gamboa at Ketchup Eusebio (ng pelikulang 'TOL na palabas na sa January 30), maluwag na inamin ni Ketchup na isa siyang expectant father sa kanyang longtime girlfriend na si Mary Ann.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE Gorgy Rula

Sa April nakatakdang isilang ang panganay niya na next week pa malalaman ang gender.

“Kung anuman po ang gender niya, basta maayos siya ok na sa amin,” panalangin ni Ketchup.

Ang maganda raw rito ay may kongkreto nang pinaglalaanan ang lahat ng pinaghihirapan ni Ketchup na pagtatrabaho.

Darating ba si Mary Ann sa premiere night sa Martes?

“Hindi na po siguro kakayanin.

"Baka mahirapan pa po siya.

"Ok na po sigurong magpahinga na lang siya kaysa ma-stress sa dami ng tao.”

Siyanga pala, nabanggit ng mga taga-'TOL na imbes na sa Megamall ang kanilang premiere ay minabuti na lang ng producers nila na gawin sa Trinoma ang premiere nila sa Martes.

Dahil ba umiiwas silang malagyan ng bahid-politika ang mga ganap lalo pa’t sa Megamall din sa Martes ang premiere ng isang pelikulang katapat nila na maraming invited guests na politiko kasama na raw roon ang Pangulo?

GORGY RULA: Sampung taon na ang relasyon nina Ketchup at Mary Ann.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Ketchup, talagang behaved na siya nang dumating si Mary Ann sa buhay niya.

Lalo na siguro pag dumating na ang baby nila!

Kaya lang, tila wala pa silang balak na magpakasal.

Okay na ba sila na mag-live in na lang?

Kasi, pag nandiyan na ang baby, matutuon na ang atensyon nila sa baby.

Hindi mapa-prioritize ang kasal kung meron mang balak.

JERRY OLEA: Yung isa pang movie na kasabay ng 'TOL na mag-o-open sa mga sinehan sa Miyerkules, ngayong Linggo ng 7:00 PM na ang premiere sa SM Megamall.

Ito yung family comedy na Ang Sikreto ng Piso, kunsaan bida ang mag-asawang Gelli de Belen at Ariel Rivera.

Sinuwerte si Gelli de Belen na maging Best Actress sa Gawad Urian para sa pelikulang The Secrets of Sarah Jane: Sana’y Mapatawad Mo (1994), na idinirek ni Maryo J. de los Reyes.

Nawa’y maghatid din kay Gelli ng suwerte itong Ang Sikreto ng Piso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Siyanga pala, ngayong Linggo ang first death anniversary ni Direk Maryo J. delos Reyes.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN