Arron Villaflor, handa nang sumabak sa sexy scenes para sa bagong digi-series

by PEP Troika
Jan 27, 2019
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA: Sex & Coffee ang working title ng digi-series na gagawin ni Arron Villaflor para sa iWant TV.

Handang-handa na si Arron sa sexy scenes, lalo pa’t 28 na siya.

 IMAGE Jerry Olea

Parang Glorious ang nasabing digi-series.

Keri niyang makipaghalikan sa aktres na mas may edad sa kanya, gaya ni Angel Aquino.

“Ano ba! Crush ko si Angel!” natatawang bulalas ni Arron nang mainterbyu namin sa Prestige International event nitong nakaraang Sabado ng gabi, Enero 26, sa Vikings MOA.

Naisip ba niya na sana siya na lang ang kinuhang katambal ni Angel sa Glorious?

Mabilis niyang sagot, “Oo naman! Hahaha! Dahil nakita ko yung movie.

“Sabi ko, kaya ko ‘yon.”

Magaling ba siyang humalik?

Natawa muli si Arron, “Basta, I always do my best when I kiss! Ohhhhh! Hahahaha!”

So far, ang pinakamatindi raw niyang naka-kissing scene ay sina Yen Santos at Yam Concepcion sa TV series na All Of Me (2015-2016).

Naku! Matindi na ba ‘yon?

Mas matindi pa rin yung sa Glorious!

“Ang ganda! Ang sarap gawin nung ganun,” pakli ni Arron.

Maliban kay Angel Aquino, sino pa ang gusto niyang makasama sa matitinding halikan?

“Kahit sino naman,” hirit ni Arron.

“Pero gusto kong makatrabaho si Maj, si Maja [Salvador].

“Kasi antagal na naming hindi nagkatrabaho.

“Sa Your Song pa kami huling nagkasama. Ang tagal na no’n!

“Saka... si Liza [Soberano].”

NOEL FERRER: Congratulations kay Arron sa bago niyang project.

But why is it taking him a long time bago magkaroon ng isang mainstream soap sa ABS-CBN habang nababalita ang pag-o-ober-da-bakod ng mga katulad ni Kiko Estrada (na sa huling balita ay inaayos pa ang kontrata sa GMA-7)?

Is going digital the way to go now?

Pareho rin lang ba ng bayad and value sa digital at mainstream projects?

Or para ba itong indie projects na puwedeng magpaka-alternative at edgy?

So, pang-indie/digital nga ba si Arron?

JERRY OLEA: Kaya ba ni Arron na mag-frontal nudity?

Natatawa pa ring tugon ni Arron, “If it’s a good story naman, why not? Di ba?

“If it’s a good story, why not?”

Nagsimulang maging mapangahas si Arron sa Mamu; and A Mother Too, kung saan tinanghal siyang Best Supporting Actor sa Cinema One Originals filmfest noong Oktubre.

Sa GEMS: Hiyas ng Sinang ay Best Supporting Actor din siya.

Nawa’y mabigyan pa si Arron ng mainstream projects sa TV at pelikula!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results