Jolo Revilla, nakahanap na ba ng kapalit kay Jodi Sta. Maria?

GORGY RULA: Nakahanap na kaya si Cavite Vice Governor Jolo Revilla ng kapalit kay Jodi Sta. Maria?

Marami na ang nakakapansin sa ilang IG Live feeds ni Jolo kunsaan kasama niya ang Bb. Pilipinas 2016 2nd runner-up na si Angelica Alita.

Nakita ko si Angelica noong nag-file sina Mayor Lani Mercado at Jolo ng candidacy ng dating Senator. Bong Revilla noong October last year.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ilang beses ko ring nakita sa ilang events na kasama rin si Angelica pero ang buong akala ko ay kaibigan lang siya ni Bryan Revilla.

Pero marami na ang nakakapansin sa closeness ng dalawa.

Tinanong ko si Jolo kung sila na ba ni Angelica, pero ngumiti lang ito.

Ayaw niyang sagutin ang mga tanong namin kapag tungkol sa kanila ni Angelica ang topic.

Naalala ko sa mga nakaraang interviews ni Jolo na binanggit niyang kung sakaling ma-in love siya uli, mas gusto niyang tahimik na lang at hindi na siya magsalita.

Iyun na kaya ang ibig sabihin?

Kalalabas lang ni Jolo ng St. Luke’s BGC dahil nagka-pneumonia siya.

Halos sabay sila ng Mama niyang si Mayor Lani Mercado na na-hospitalize din.

Ang lolo raw niya, ang dating senator na si Ramon Revilla Sr., ay nagka-pneumonia rin pala kaya halos sabay-sabay silang na-hospitalize.

Biniro ko si Jolo kung si Angelica ba ang nag-alaga sa kanya sa hospital, pero hindi na naman siya sumagot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nginitian lang niya ako.

NOEL FERRER: Everybody needs to move on at mukhang naka-move on na pareho sina Jodi at Jolo.

Napag-alaman lang namin na ito palang si Angelica ay dating girlfriend ni Brian Poe Llamanzares.

Tapos, kung totoo na sila na ni Jolo... sadya bang magnet si Angelica sa mga anak ng politiko?

JERRY OLEA: So, ang GF ngayon ni Jolo na si Angelica ay ex ni Brian na half-brother (by affinity) ni Lovi Poe, na ex ni Jolo.

Itong si Brian naman ay ex ni Myrtle Sarrosa, na leading lady ni Luigi Revilla sa trilogy movie na Tres.

Ito namang si Luigi ay half-brother nina Jolo at Bryan Revilla, na mga bida rin sa Tres (kung saan may cameo si Lovi).

At kung hindi ako nagkakamali, noong magsyota pa sina Jolo at Jodi, inirekomenda ni Jodi si Lovi para maging partner ni Jolo sa episode ni Jolo sa Tres, pero hindi pumuwede si Lovi kaya si Rhian Ramos ang naging leading lady roon ni Jolo, at nag-cameo na lang si Lovi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang tanong ko: mag-aartista ba si Angelica?

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN