Derek Ramsay, sa Pebrero na pipirma ng kontrata sa GMA-7

IMAGE Noel Orsal


GORGY RULA: Tuloy na nga kaya ang pagbabalik-Kapuso ni Derek Ramsay?

Ayaw pang magbigay ng definite answer ang manager niyang si Jojie Dingcong, pero hindi niya itinanggi ang nasagap naming balita na sa February na ang contract signing.

 IMAGE Noel Orsal

Isang kaibigan ang nakausap ni Derek, at sinabi raw ng aktor na may mga inaayos na lang na kaunting detalye bago isara ang kontrata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero pinabulaanan ni Jojie ang isa pang kuwentong nasagap ng PEP Troika na may inaayos na raw na drama series na unang gagawin ni Derek pagkatapos niyang pumirma.

Si Kim Domingo ba ang makakasama ng hunk actor?

Hindi raw niya alam yun, sabi ni Jojie.

Ang pagkakaalam niya sa policy ng GMA-7, magpipirmahan muna ng kontrata bago ilatag sa kanila ang konsepto ng programang gagawin ni Derek sa Kapuso network.

NOEL FERRER: It is very logical na magbalik-Kapuso si Derek dahil saan ba siya magmumukhang fresh kundi sa GMA-7?

Sa ABS-CBN kasi, nagsisiksikan na ang mga artista at marami roon ang walang regular work.

Sana lang ay maganda ang offer at magkaroon ng reinvention si Derek sa GMA-7.

Ang tanong diyan ay mag-a-Artist Center din kaya si Derek?

Hindi ba’t may rule na priority ang mga naka-sign up na Artist Center talents kaysa sa mga hindi?

O exempted na si Derek dun sa rule na yun because of his premium?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

JERRY OLEA: Pakiwari ko sa bolang kristal at tarot cards, masagana at maaliwalas ang kahihinatnan ni Derek Ramsey sa Taon ng Baboy.

Madalas na mali-mali ang hula ko sa Piñata Party ng Plants vs Zombies 2, pero nahihinuha ko na aalagaang mabuti ng Kapuso Network si Derek.

Hindi siya bababuyin.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN