Maine Mendoza, di a-attend ng premiere pero magpapa-block screening ng pelikula ni Arjo Atayde?

GORGY RULA: Ngayong Enero 29, Martes, ang premiere night ng pelikulang ‘Tol sa Trinoma, QC.

Isa sa mga bida rito si Arjo Atayde kasama sina Joross Gamboa, Ketchup Eusebio, at Jessy Mendiola, kaya inaasahan ang suporta ni Maine Mendoza na madalas na raw na nakaka-date ni Arjo.

 IMAGE Noel Orsal

Noong nakausap namin si Arjo sa presscon ng ‘Tol, sinabi niyang walang pressure kay Maine na dumalo sa premiere night para magpahayag ng suporta sa kanyang pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Maine has nothing to do with my work at all. If she goes, she supports me, thank you, and if she’s busy I understand,” pakli ni Arjo.

Ayaw niyang i-showbiz ang kung ano man ang namamagitan sa kanilang dalawa.

Wala sa isip niyang magtambal sila sa isang movie project.

Meron kasing nagtanong na kung sakali, okay lang ba na mag-partner sila ni Maine sa isang pelikula.

“This is the personal level, not the showbiz thing. This is totally on our personal level.

“We haven’t talked anything like that, and if we ever we do think, thank You, Lord.

"Siyempre we do work together, and if we don’t, it doesn’t really matter. Because what matters to me is the personal side," pahayag ng Kapamilya actor.

Sa tingin niyo ba, mga Ka-Troika, makakarating si Maine sa premiere ng ‘Tol o magpapa-block screening na lang siya?

If ever na magpa-block screening siya, dadalo kaya rito ang AlDub fans o mga Mainenatics lang?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NOEL FERRER: Noong una ay usap-usapan kung dadalo ba si Maine Mendoza sa premiere night ng ‘Tol ng ka-exclusive date niyang si Arjo Atayde.

Maganda kasing gesture yung makita sila sa publiko na magkasama at walang itinatago.

Ngunit may mas maganda pa palang gagawin si Maine bilang pagsuporta sa partner niya.

Magpapa-block screening pala ito, hindi lang minsan kundi maraming beses kasama ang iba’t ibang grupo.

Sabi tuloy ng mga kasama natin sa panulat, “Bongga, hindi sa libreng premiere night pupunta pero tutulong pa sa box-office results ng pelikula ng mahal niya!”

So, kahit wala si Maine, may sarili siyang ayuda kay Arjo.

Ang asawa ni Joross ay a-attend. Ang long time girlfriend ni Ketchup ay exempted dahil nagdadalantao.

Si Luis Manzano kaya, a-attend for Jessy?

Abangan natin ito sa premiere night ng ‘Tol.

JERRY OLEA: Matutuwa syempre sina Sylvia Sanchez at Ria Atayde kung susuportahan ni Maine si Arjo sa pelikula nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero baka maagawan lang ni Maine ng eksena ang leading lady ng movie na si Jessy Mendiola sa premiere night, kaya doon na lang siya sa block screening!

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN