Sylvia Sanchez, bumigay sa pagbabanta ng ilang AlDub fans kay Arjo Atayde

JERRY OLEA: Maluha-luha si Sylvia Sanchez nang manawagan sa members ng AlDub Nation na nagbantang papatayin ang anak niyang si Arjo Atayde. 

Ang Kapamilya actor na si Arjo at Eat Bulaga! Dabarkads na si Maine Mendoza ay exclusively dating. 

 IMAGE James Patrick Anarcon / Noel Orsal

Si Maine ay kalahati ng tambalang AlDub o Alden Richards at Yaya Dub, na sumikat sa Kalyeserye segment ng Eat Bulaga! noong 2015. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nakakita ako ng account na nagsasabing, 'Patayin si Arjo, patayin natin si Ria, patayin natin si Sylvia!" emosyunal na lahad ni Sylvia sa presscon ng pelikulang Jesusa, nitong Enero 29, Martes, sa West Avenue Suites, West Avenue, Quezon City. 

Si Ria ay nakababatang kapatid ni Arjo, na hindi rin nakaligtas sa matinding pambabatikos ng ilang AlDub fans.

Ito ay sa kadahilanang may ilang Aldub fans ang hindi pabor kay Arjo para kay Maine. 

Sabi pa ni Sylvia tungkol sa pamba-bash ng ibang fans, "'Patayin natin ang Pamilya Atayde!' Hindi lang yan dalawa [na netizens]. Meron pa. At meron pang nag-post diyan, 'Isang bala ka lang.'

"Pag nakita natin yung mga nag-uusap, alam natin na si Arjo ang tinutukoy..."

Noong Biyernes, Enero 25, unang bumigay si Sylvia sa death threats sa kanilang pamilya.

Gumaralgal ang boses ni Sylvia, "Iyong makita ko na sabihin ng mga AlDub Nation fans—hindi man lahat, kasi, naniniwala pa rin ako na merong fans ang AlDub na mababait, na good heart—pero meron ding mga... bashers din talaga!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Eto na lang ang pakiusap ko sa inyo bilang ina—yung pagbabanta niyo na patayin si Ria, si Arjo, ako, asawa ko—ako na lang." 

Madamdaming saad pa ng aktres, "Ako na lang! Barilin niyo ako. Patayin niyo ako. Tanggalin niyo ang buhay ko sa akin, tatanggapin ko.

"Ako na lang bilang nanay. Huwag lang ang mga anak ko. Huwag na sila. Ako na lang... Ako na lang ang patayin ninyo!”

NOEL FERRER: Sa unang pakinig sa sinabi ni Miss Sylvia Sanchez, maaantig ang damdamin mo na siya na lang ang kunin at patayin sa halip na si Arjo.

Pusong ina ang umiral sa kanya na handang isakripisyo ang buhay para sa anak.

Pero kung susuriin ang lohika ng gustong mangyari ng fans, walang saysay ang pagpatay sa ina kung nakikita nila na ang kaagaw ng idolo nila ay buhay pa.

Teka! Parang ang dali lang pumatay!

Totohanan ba ito ngayon? Parang ipis o langgam na lang ba ang pagpatay ngayon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya ba talagang gawin yan ng AlDub Nation?!

Talaga lang, ha?!

GORGY RULA: Parang nadramahan ako sa statement na yun—na nakiusap pa sa fans na patayin siya.

Mas matapang at buo ang pahayag ni Arjo na idedemanda niya ang gumagawa nito sa kanyang pamilya.

Sa halip na makipagkita si Sylvia sa basher, mas mabuti sigurong iparating na niya ito sa mga pulis o sa NBI.

Dapat matigil na ang ganitong kabaliwan ng ibang fans.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN