Ice Seguerra, kailangang kumayod nang husto para sa magiging anak

Ice Seguerra, kailangang kumayod nang husto para sa magiging anak
by PEP Troika
Jan 30, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal

JERRY OLEA: “Kayo rin po, tita, tumaba.”

Iyan ang naka-print sa t-shirt na suot ni Ice Seguerra sa mediacon ng Valentine concert nila ni Nyoy Volante nitong Enero 29, Martes ng hapon, sa Concha’s, Sct. Madriñan St., Q.C.

 IMAGE Noel Orsal

Mensahe iyon para sa mga nag-aakalang buntis siya.

Kaha-harvest pa lang ng egg cells ni Ice.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakahanap na sila ng dyowang si Liza Diño ng dalawang sperm donor, na tinagurian nilang Boy Pogi at Superman.

Ang magkatuwang na egg cell at sperm cell, ii-implant sa sinapupunan ni Liza sa Disyembre.

Si Liza ang surrogate mother.

Excited na si Ice na maging expectant father—magising nang madaling-araw kung naglilihi ang giliw, masahihin ang paa ni Liza, samahan ang wife na magpa-checkup sa doktor.

Isang anak lang ba ang gusto ni Ice? If so, bakit?

“Actually, nabanggit naman sa amin na hindi lang isa ang ilalagay, e. Dalawa. May possibility na twins,” sambit ni Ice.

Hanggang dalawa lang, if ever?

“If ever, siyempre... Siguro, one is enough. We already have Amara [daughter ni Liza at ex].

"Siyempre, ang pagpapalaki ng bata nowadays, masasabi natin na hindi rin ganun kadali.

“Coz both of us are working. Di ba? Gusto ko, quality time. Na isa lang.”

NOEL FERRER: Looking forward to the success of this process na pagdadaanan nina Ice at Liza.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Blue eyes man o hindi, mapapatatag pa lalo nito ang kanilang pagsasama at buhay pamilya!

Sana talaga ay magbunga ito ng maganda dahil hindi ito madali at napakamahal nito, ha?!

Parang prosesong pagdadaanan ng isang sikat na couple na balita nati’y magkakasupling na in a few months!

 IMAGE @lizadino on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA: Bawas-trabaho si Liza sa FDCP (Film Development Council of the Philippines) kapag nabuntis at nagkaanak.

“Kaya December yung pinag-usapan namin. Kasi, supposedly, September,” lahad ni Ice.

“But biglang... ahmm, na-declare yung Centennial ng Philippine Cinema.

“Definitely, there will be so many things to do, especially sa September. I think, PPP [Pista ng Pelikulang Pilipino] is September. And we know how busy PPP is.

"So, sabi niya, ‘Love, I’m sorry, can you move it to December? Kasi, if December, and I get pregnant by January, usually from January to April... it’s not that heavy yet.’

“And alam, importante, yung first trimester, hindi siya dapat stressed. Hindi siya, you know, all these things...”

Napaghandaan na niya financially?

“Kaya eto, work ako nang work,” napangiting sambit ni Ice.

“Di ba? Kasi, hindi rin ako kagaya ng iba na may businesses left and right. This is really my job.

“Ayun! So, I need to get more work!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Acoustic Love Journey ang title ng Valentine concert nina Ice at Nyoy, na gaganapin sa Pebrero 9, Sabado, 8 P.M. sa Palacio de Maynila.

Mabibili ang tiket sa SM Tickets.

GORGY RULA: Sa totoo lang, ang nagmamadaling mabuntis na si Liza ay ang anak niyang si Amara.

“Sobra siyang nauna sa balita. Nung nalaman niya na hindi ko pa gagawin… nung nalaman niyang maghintay pa siya sa December, for a while, medyo naiyak siya na parang bakit daw pinaghintay pa?

“Kasi, excited na excited na siya… siyempre, ang dami pa nating activities sa FDCP.

“Ayoko namang ma-stress, kailangan yung state of mind ko din, medyo kalma,” pahayag ni Liza nang nakausap ko nung nakaraang Linggo.

Marami kasing nakaplano sa pagdiriwang ng 100 Years of Philippine Cinema.

Isa na rito ay ang partisipasyon daw ng Metro Manila Film Festival, kung saan may mga pelikula raw na maipapalabas na akma sa ipinagdiriwang natin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yung parang sinasabi namin sa kanila, in 100 years of Philippine Cinema, ano ang klaseng pelikula yung nagsasabing, eto na, 100 years of Philippine Cinema is defined by these films,” pakli ng FDCP Chairperson.

Sa tingin mo ba, Sir Noel, masasabi nating pan-centennial celebration ang mga pelikulang kalahok sa MMFF 2019?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results