Lolit Solis, mas type tawaging Flower ng Bilibid kapag nakulong

IMAGE Jerry Olea


JERRY OLEA: Nadi-depress ba si Manay Lolit Solis sa banta na kakasuhan siya ng cyber-libel, at posibleng maging "bulaklak ng city jail"?

 IMAGE Jerry Olea

O mas nade-depress si Manay Lolit na wala pang Xmas gift, Chinese New Year gift (kahit tikoy) at/o Valentine gift si Kris Aquino at/o Gretchen Barretto?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sakaling maging "bilibid girl" si Manay Lolit, sino ang bet niyang maging neighbor? Si Janet Napoles o si Leila Delima?

Text back ni Manay Lolit nitong Enero 30, Miyerkules, “Bongga naman. Ayokong isipin na isang 72 years old, nakakulong at nakikipagtsismisan kay Janet Napoles ng love life ni Delima.

“Basta, wala akong sinulat at sinabi na masama. Inosente ako at alam ko na kapag nakulong ako, magpadadala sa akin si Kris ng basket of gifts at baka dagdagan ni Gretchen.

“Hay, naku! Bakit bigla ako naging Cojuangco?”

Himutok pa ni Manay Lolit, “Ano ba iyan?! Private citizen na ako, bakit nasa news na naman?! Unfair hu hu hu hu!

“Ayoko na ng publicity! Hu hu hu hu hu hu!”

Haist... uso pa naman daw ang depression?

“Naku! Sila ang nade-depress sa akin, ‘noh?! Ako ang picture ng peace and quiet sa showbiz,” hanash ni Manay Lolit.

Ano ang mas bet niyang title—Bilibid Girl, Bulaklak sa City Jail, or what?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Puwede bang Flower ng Bilibid para feminine na feminine?”

Puwedeng-puwede! If ever, siya pala ang... The Girl in the Orange Dress.

“Bongga! Favorite color ko ang orange dahil color iyan ng mga Villar eh solid Villar ako, di bah?!”

NOEL FERRER: Iba talaga si Nanay Lolit Solis, siya ang pagpapatotoo sa kawikaang “Tawanan mo ang iyong problema.”

At siya talaga ang picture of peace and quiet sa showbiz, huh?! Ha ha ha ha ha!

She is not Lolit Kulit for nothing!

GORGY RULA: Tanggap na niyang tawagin siyang sawsawera ng taon.

Lagi na lang daw kasi siyang nasasangkot sa mga isyu na wala siyang kinalaman.

"Ewan ko ba! Bakit nila siniseryoso ang mga sinasabi ko?!” bulalas ni Nay Lolit.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN