Tatlong local films, sabay-sabay na nagbukas

Tatlong local films, sabay-sabay na nagbukas
by PEP Troika
Jan 30, 2019

NOEL FERRER: Showing ngayong Enero 30, Miyerkules, ang tatlong local films: Ang Sikreto ng Piso, Bato: The Gen. Ronald Dela Story, at 'Tol.

Parehong naka-Grade B mula sa Cinema Evaluation Board (CEB) ang Ang Sikreto Ng Piso (nina Ariel Rivera at Gelli de Belen, directed by Perry Escaño) at Bato: The Gen. Ronald Dela Rosa Story (ni Robin Padilla, directed by Adolf Alix).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagkaroon ng kaguluhan kahapon, January 29, nang may nag-circulate ng memo para sa theater-operators na nagsasabing entitled ang mga ito sa 100% tax rebate gayong 65% lang ang para sa Grade B. 

Ang 'Tol (nina Arjo Atayde, Joross Gamboa at Ketchup Eusebio, directed by Miko Livelo) ay hindi na isinumite for CEB rating.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang sinasabing sukatan na gusto nila ay ang validation ng viewers na masayang nanood ng premiere kagabi, January 29, at ang mga nagnanais ng good-happy movie sa gitna ng lahat ng kontrobersya.

JERRY OLEA: Maaksyon ang Bato biopic, at parehong comedy ang ‘Tol at Ang Sikreto ng Piso.

Abangan natin kung bet ng moviegoers ang tatlong pelikulang ‘yan.

Excited ako ay sa Valentine movie ng LizQuen na Alone/Together, na ipapalabas sa Pebrero 13.

Siyempre pa, sabik na sabik na rin ako sa Avengers: Endgame na itatanghal sa Abril.

NOEL FERRER: Sabi ni Tita Digna Santiago ng CEB, honest mistake ng kanilang staff sa CEB yun.

Letter daw yun for the theater operators na sa FDCP na lang i-remit ang lahat.

If Graded A, then 100% goes to producer. If B, 65% goes to producer and the balance stays with FDCP to run the office.

The address should be “Dear Theater Manager” or “Circuit” and not the madlang people na Dear Sir/Madam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

The FDCP Secretariat should reward the text blast to theatres.

At sinita pa ni Tita Digna na mali-mali rin ang grammar ng letter na nag-circulate, na pinalitan na raw sa FDCP website.

GORGY RULA: Wala pa akong nakuhang figures, pero ayon sa ilang reliable source na napagtanungan ko, hindi gaanong maganda ang resulta ng tatlong pelikulang nagbukas ngayong araw.

Malalaman natin sa weekend kung merong makakabawi.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results