Ogie Alcasid, bakit iba ang ini-endorse na fastfood chain kina Regine at Nate?

IMAGE Screen grab from Instagram


NOEL FERRER: Laging inaabangan ang mga Valentine campaigns ng magkalabang fastfood chains.

Kung last year, nakaungos ang brand na inindorso ng Megastar Sharon Cuneta at ni Gabby Concepcion (na parehong may existing contracts pa sa naturang foodchain), heto naman ang classic combination nina Ogie Alcasid at Michael V bilang magkaibigang nag-aalaskahan ngayong taon.

View this post on Instagram

#mcdo #mcdonalds with my pareng @michaelbitoy #surfries #chickennyaparinbabalikchigawngdamdamin

A post shared by Ogie Alcasid (@ogiealcasid) on

Nagtatanong tuloy ang netizens at kasamahan natin sa panulat: nasaan na kaya ang dating endorsers ng parehong food line na sina Dingdong at Marian?

Balitang nag-expire na ang kontrata nila at hindi na na-renew since last year pa.

Kaya ba malayang tinanggap na rin ni Dong ang bagong food/donut endorsement kasama nina Piolo at Derek?

He is truly blessed habang nagdadalantao ang kayang misis.

Ganyan ang buhay sa advertising, parang telebisyon din. Weather-weather din lang.

JERRY OLEA: Palipat-lipat, papalit-palit—kung minsan, pera-pera lang.

Maski sa pulitika, may mga mag-asawa o magkapamilya na magkalaban.

Kung Valentine’s Day, may mga magdyowa na “hiwalay” muna, lalo na sa mga mang-aawit. Gaya nina Ogie Alcasid at Regine Velasquez, may kani-kanyang concert sa Araw ng mga Puso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Trabaho lang. Kayud-kayod para sa kanilang pamilya, habang andiyan pa ang mga tagahanga at tagasubaybay nila.

GORGY RULA: Natawa si Ogie Alcasid nang tinanong naming makakalaban nila ni Michael V ang food chain na ini-endorse ng mag-ina niyang si Regine Velasquez at Nate.

“E, di masaya,” sabi lang ng singer/songwriter.

"Wala lang. Basta masaya lang kami,” napapangiti niyang sagot sa amin nang nakausap namin kaninang tanghali sa pocket presscon ng Valentine concert niyang The Master of Love kasama ang National Artist na si Ryan Cayabyab.

Gaganapin ang concert sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila sa February 14.

Excited siya sa tandem nila ni Bitoy, na sana mataypan daw ng mga tao ang kanilang TV commercial.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN