Rochelle Pangilinan, pasabog ang maternity photo shoot

IMAGE Rochelle Pangilinan Instagram


JERRY OLEA: Bombastic ang photo shoot ni Rochelle Pangilinan upang ipagdiwang ang kanyang pagdadalantao.

Pinost niya ang limang litrato sa kanyang Instagram account nitong Enero 31, Huwebes, kung saan na-capture ang kanyang pagiging mananayaw, aktres, maybahay, at ina.

Ang daming kapwa artista ang bumati at nagkomento kay Rochelle, gaya ni John Arcilla na nagsabi, “Ang bata......!!! Baka ka madulaaaaaas! Omg Roc!!!? What are you doing....?”

Ang nagkuha ng litrato ay ang Nice Print Photo. Konsepto iyon ng manager niyang si Perry Lansigan.

NOEL FERRER: Effective kung gayon! At pinag-usapan ang pictorial na ito ni Rochelle.

Walang basagan ng trip, di ba? (With matching korona at liyad-liyad pa!)

Mas magandang ang readers natin ang magbigay ng comments nitong poll ng mga kasamahan natin sa panulat...

Ano ang masasabi niyo sa maternity pictorial ni Rochelle: class or crass?

View this post on Instagram

There’s no better feeling than movement of life inside of you. ??#babykicks #9months #happiness

A post shared by Rochelle Pangilinan (@rochellepangilinan) on

GORGY RULA: Hindi kasi gaanong nahirapan si Rochelle sa pagbubuntis niya.

Pinayagan pa siya ng OB-Gyne niyang magtrabaho muna kaya nakakapag-taping pa siya ng Onanay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Magtatapos na ang Onanay, kaya may time na si Rochelle magpa-pictorial dahil type niya talagang may mga kuha siya habang nasa sinapupunan niya ang baby, para paglaki nito, maipakita niya sa kanyang anak na ganyan siya kaganda noong ipinagbubuntis niya ito.

Expected nilang isisilang ni Rochelle ang baby girl nila ni Arthur sa first week of March, kaya pinaghahandaan na niya ito.

View this post on Instagram

Embrace your changing body ???

A post shared by Rochelle Pangilinan (@rochellepangilinan) on

Sinimulan na nilang ayusin ni Arthur Solinap ang baby’s room pero ihininto nila.

Lahad ng dating Sexbomb Dancer, “Kasi, tinanong ko si Art kung doon ba talaga sa room niya matutulog ang baby o sa room namin. ‘Hindi, sa room natin!’

“Ahh, okay, saka ko na ayusin. ‘Yung mga gamit na lang niya ang nandun.”

May nagpa-baby shower na rin kay Rochelle mga dalawang linggo na ang nakaraan, kaya tambak na ang mga gamit ng baby na iniregalo sa kanila.

View this post on Instagram

Every woman is a queen...

A post shared by Rochelle Pangilinan (@rochellepangilinan) on


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN