Bato, 'Tol, Piso: Pare-parehong sumemplang sa takilya?


NOEL FERRER: Umiiyak ang mga sinehan dahil kahit tatlo ang mga bagong pelikulang Pilipinong palabas kahapon, January 30, ay pare-pareho silang hindi raw kumikita.

Wala pa raw nakaabot ng P1M na gross sa opening day. Ang dalawa ay medyo sumisipa pa, pero iyung isa, dapa talaga.

Nasaan ang mga manonood ng pelikulang Pilipino?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit kaya nagkakaganito ang resulta sa takilya, mga ka-Troika?

GORGY RULA: Totoo ba ang ipinarating ng ating source na sa first day of showing kahapon, mahigit P200,000 lang daw ang kinita ng ‘Tol at Ang Sikreto ng Piso?

Halos P1M naman daw ang Bato biopic kaya ito lang yata ang di gaanong tinanggalan ng sinehan.

Wala pa akong napanood sa tatlong pelikulang ito.

Sana, may maganda para word of mouth at baka puwede pang makabawi sa weekend.

Pero ewan ko lang!

JERRY OLEA: Heartbroken si Direk Perry Escaño sa Facebook post niya nitong Enero 31, Huwebes.

Himutok ni Direk Perry, “It is so depressing how badly independent film productions are treated in the Philippines.

“Even though we have audience watching in the cinemas, our film Ang Sikreto ng Piso was pulled out by some operators and was replaced with Hollywood films after the first day.

“This is not the way to encourage local directors and producers to create more movies. This is also not the way to educate the local movie audience — they need variety in their choices.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“This is also not the way to help industry workers — they need work to be able to put food on their families' tables.

“The all-business mindset of cinema operators is killing the industry. We appeal to them to bring back to the movie theaters the local films they have pulled out after the first day.

“More people will come especially during the weekends. We just know. Do you think Hollywood films will help you in the future? Support our own Filipino films...”

Dapat ba ay Biyernes o Sabado ang opening day ng mga indie movie na gaya ng Ang Sikreto ng Piso?


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN