OPM, magbibigay ng donasyon para sa yumaong si Pepe Smith

OPM, magbibigay ng donasyon para sa yumaong si Pepe Smith
by PEP Troika
Jan 31, 2019
PHOTO/S: Instagram

GORGY RULA: Nakarating na kay Ogie Alcasid ang balitang nangangailangan ang pamilya ni Joey "Pepe" Smith ng pampalibing sa namayapang rakista.

Pumanaw si Pepe noong January 28, 2019. 

 IMAGE Instagram

Kinumpirma ni Ogie na mayroong maibibigay ang OPM (Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit) na tulong sa naulilang pamilya ni Pepe. 

"We will help. We always help pag ganyan," sabi ni Ogie nang nakapanayam namin sa pocket presscon ng Valentine concert niyang Master of Love.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"We have a standard amount that we give. We should only be supporting our members, but even if he’s a non-member, we will help.

"Kahit sino, we always help."

Wala silang substantial amount na maibigay dahil inu-audit din sila ng Commission on Audit (COA).

Karamihan kasi ng pondo nila ay donasyon mula sa ilang pulitiko—gaya ni Quezon City Mayor Herbert Bautista, na madalas nagbibigay sa kanila.

Sinisikap nilang makatulong sa mga mang-aawit na nangangailangan talaga, kahit non-member pa ito ng OPM.

Inaayos na raw ang tulong kay Pepe Smith. 

Hati lang ang atensiyon ni Ogie dahil abala pa siya sa Master of Love, na gaganapin sa Resorts World Manila.

Si Ogie rin ang magdidirek ng sariling concert.  

Kasama niya rito ang National Artist na si Ryan Cayabyab, at ibang celebrity guests na sina Mariel de Leon, Lara Maigue, Tanya Manalang, at Ryan Cayabyab Singers.

NOEL FERRER: Kaya naman blessed si OPM President Ogie Alcasid dahil maliban sa mga bagay na pansarili ay tumutulong pa iyan sa kapwa niya

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

through the Organisasyon Ng Pilipinong Mang-aawit (OPM).

Na kay Ogie ang aking mataas na paggalang! Sana lang ay tulungan din siya ng ibang OPM members sa kanyang mga gawain.

Madalas, nagkakawanggawa si Ogie at kumakain iyang responsibilidad ng maraming oras. 

Sana, dumami pa ang mga katulad ni Ogie!

JERRY OLEA: Public viewing ng mga labi ni Pepe Smith simula ngayong Enero 31 hanggang 9 p.m. ng Pebrero 1, Huwebes, sa Loyola Memorial Park, Sucat Road, Parañaque City.

Mukha bang payapa na si Pepe?

"Hindi ko masabi," sabi ng kaibigang artist na dumalaw sa lamay nitong Enero 30, Miyerkules ng gabi.

"Andami pa raw babayaran. May kulang pa sa pagpapalibing."

Ilan pang mga kaibigan ni Pepe mula sa industriya ang nagsagawa ng fundraiser para makatulong sa pamilya ng yumaong singer. 

Sa kasalukuyan ay nagtapos na ang fundraiser na makikita sa gogetfunding.com: 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Read More Stories About
pep troika, Ogie Alcasid, OPM
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results