Cogie Domingo, binigyan ng pagkakataon ng ABS-CBN na bumalik sa pag-arte

by PEP Troika
Jan 31, 2019

NOEL FERRER: Balik-telebisyon si Redmond Christopher Fernandez Domingo—mas kilala bilang Cogie Domingo—sa bagong Dreamscape project na Sandugo.

Kasama niya rito sina Aljur Abrenica, Ejay Falcon, at iba pang Kapamilya stars.

Kung sa larangan ng pag-arte ang pag-uusapan, may ibubuga ang anak-anakan nating si Cogie sa hanay ng mga artistang makakasama niya.

Continue reading below ↓

Ang lagi lang tanong ay malinis na ba siya at wala nang bahid dungis sa ipinupukol na isyu sa kanya noon?

Sana lang.

Sana lang talaga, nagbagong-buhay at nagtino na siya, dahil hindi lahat ay nabibigyan ng bagong chance.

Maganda itong bagong pagkakataong inihain sa kanya ng Kapamilya Network at Dreamscape.

JERRY OLEA: Gusto noon ni Cogie na makapag-guest sa FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin.

Nakausap natin siya last year sa last shooting day ng pelikulang Man & Wife, kung saan bida sina Gabby Concepcion at Jodi Sta. Maria.

Maikli ang papel doon ni Cogie pero markado.

Nakakatuwang may project siyang muli sa TV.

In fairness, maayos ang itsura ni Cogie sa storycon ng Sandugo!

GORGY RULA: Kapag magaling kang artista, nabibigyan pa rin talaga ng chance na makabalik sa trabaho.

Noong nakausap namin siya ni Sir Jerry, mukhang matino na siyang sumagot.

May iba kasing aktor na pagkatapos ng mga pinagdaanan nila, parang hindi pa rin tumino.

Continue reading below ↓

Iba ang pelikula sa TV, lalo na sa teleserye, na ilang araw ang taping sa loob ng isang linggo.

Kaya madaling malaman kung magaling na siya talaga.

Pero kapag tsinugi agad ang karakter niya... yun na! Alam mo na!

NOEL FERRER: Tinanong ko ang business unit head ng Dreamscape na si Erick Salud.

Sabi niya, hanggang dulo raw ng teleserye si Cogie at hindi papatayin agad.

Harinawa!!!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results