Sikat na female TV personality, may pasabog

GORGY RULA: Akala ko pa naman, sina Alden Richards at Maine Mendoza lang ang sikat na celebrities na nagmamay-ari ng franchise ng McDo.

Meron pa palang isa.

ILLUSTRATION Jeremiah Idanan

Nadiskubre ko ito nang magbakasyon ako sa Roxas City, Capiz.

Nakita ko roon ang malaking McDo sa Arnaldo Boulevard, Roxas City, malapit sa airport.

Doon kasi sa Roxas, ang laking bagay kapag may mga ipatatayong sikat na food chain, mall o ano mang business establishment na sa Maynila at ilang malalaking lungsod mo lang nakikita.

Kaya tuwang-tuwa ang mga Capizeños na meron nang McDo doon na pagmamamay-ari pala ng kilalang female TV personality.

Sabi ng ilang kaibigang nakatsikahan ko roon, itong si sikat na female TV personality nga raw ang may-ari ng McDo roon.

Meron pa raw siyang ibang business na nakakatulong sa mga tagaroon.

Naitsika rin sa aking may malaking building na ipinatayo roon na isa raw siya sa may-ari.

Pero ayaw namang kumpirmahin ng aking source kung totoo ito.

Basta, ang bongga lang talaga ni sikat na female TV personality.

Lalo siyang yumayaman sa lalawigan namin.

May balak kaya siyang pasukin na rin ang pulitika at doon sa Capiz manilbihan?

Baka puwede niyong itanong sa kanya, Sir Noel, bilang tsika mo naman siya?

JERRY OLEA: Masipag at mapag-impok ang female TV personality na mahigit tatlong dekada na sa industriya.

Naging kasintahan niya ang isang kilalang pulitiko, at nasangkot siya sa kontrobersya nang ipagtanggol niya ang kanyang irog.

Nahihinuha ko na mahal siya ng mga taga-Roxas City, lalo na yung mga taga-palengke, at may ‘K’ siyang manilbihan sa nasabing lungsod.

NOEL FERRER: Hindi lang yan ang malaking balitang nakakabit sa premyadong female personality na ito.

Humanda tayo sa isang pasabog na balitang may kinalaman sa isang supling soon!

Lalo yang magbibigkis ng pagmamahalan nila ng kanyang partner.

Handa na ba kayo?!

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN