Tambalang AlDub huwag nang ipilit sa Year of the Pig, ayon sa hula

JERRY OLEA: Hindi dapat ipilit ng AlDub Nation ang tambalang Alden Richards at Maine Mendoza sa Taon ng Baboy, lalo pa’t andiyan na si Arjo Atayde.

IMAGE @aldenrichards02 on Instagram

Pahayag iyan ng psychic/spirit questor na si Atty. Nick Nañgit nang mag-guest nitong Pebrero 1, Biyernes, 10:00-11:00 PM sa DZRH radio program na Showbiz Talk Ganern.

Lahad ni Atty. Nick, “Ngayong taon na ito, aggressive lahat dahil wala tayong Mars Retrograde.

“So, talagang magiging mapusok at medyo matigas ang ulo ng AlDub Nation.

“Kasi, ipipilit pa rin nila yung kanilang gusto na hindi na puwedeng mangyari sa ngayon.

“Sasabihin ko na categorically, hindi iyan mangyayari sa taon na ito!

“Kasi tinitingnan ko yung mga planeta.

“Sila yung gusto lang nila.

“Kasi kahit na gugustuhin mo, kung hindi sasang-ayon sa iyo ang planeta, ang constellations, ang elements... wala kang magagawa.”

Nick Nangit
IMAGE Jerry Olea

GORGY RULA: Hindi ko alam kung kayang tanggapin iyan ng AlDub Nation, na noong Enero 31, Huwebes, ay nagdiwang ng 185th weeksary.

Iyun ay hula lamang ayon sa nababasa sa planeta, mga bituin, sa kalawakan.

Puwedeng mali iyun, at dapat na patunayan ng fans na mali.

Tangkilikin nila ang lahat ng projects ng dalawa.

Kung makapag-guest sana si Alden sa Daddy's Gurl, malalaman kung paano ito tangkilikin ng AlDub Nation.

Pero teka... bakit nga ba di natutuluy-tuloy ang guesting ni Alden sa sitcom nina Bossing Vic Sotto at Maine?

Heto na ang latest na nasagap ko.

Tuloy na raw ang guesting ni Alden dahil nakakuha na ng schedule ng taping bago matapos ang buwang ito ng Pebrero.

Abangan ninyo iyan, mga Kapuso!

NOEL FERRER: Kung kagabi naganap ang special screening ng mga Kapamilya namin ni Joross Gamboa sa MyCinema sa Greenbelt para sa pelikulang ‘TOL, balita ko, ngayon magaganap ang pa-block screening ni Maine Mendoza para sa kasintahan (o ka-exclusive date) na si Arjo Atayde.

Ang sweet, di ba?

At bilang paglilinaw, yung opening day gross ng tatlong pelikulang nagbukas ay hindi talaga umabot ng P1M.

Mas malaki pa ang TF ni Gelli de Belen o Ariel Rivera sa first day gross ng pelikula nilang Ang Sikreto ng Piso.

Ang ‘TOL ay almost P200k, samantalang ang Bato pic ay less than P100 ang lamang sa ‘TOL.

Nasaan kaya ang viewers ng pelikulang Pinoy ngayong payday weekend?

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN