Bruskong aktor, inamin ang long-term relationship sa bading

by PEP Troika
Feb 2, 2019

JERRY OLEA: Inamin ng isang aktor na nagmahal siya sa baklang nakarelasyon niya nang matagal.

WTFu! Oo naman!

ILLUSTRATION Jeremiah Idanan

Pinost nitong Enero 31, Huwebes sa YouTube channel na WTFu ang panayam ni Mr. Fu sa aktor na “pangmalakihan at pangmaramihan.”

Hindi pinangalanan kung sino ang bading na bumihag sa puso ng bruskong aktor, pero natitiyak kong Kapamilya ito.

Continue reading below ↓

Mas gusto ng dominanteng aktor na pumatol sa bading kesa sa matrona, dahil natatakot siyang mapahamak kung may asawa ang matrona.

“Maganda yung interbyu,” napapangiting sambit ni Mr. Fu (tagabulabog ng universe) nang makatsikahan namin sa recent event ng Mannix Carancho Prestige International sa Vikings MoA.

Sabi pa ni Mr. Fu, binanggit ng naturang aktor si Tito Gorgy!

NOEL FERRER: Napag-usapan din namin siya ni Tito Gorgy at minsang Xmas eve na nag-iisa sa bahay si Tito Gorgy ay siya ang nakapiling.

Puwedeng may maganap sa kanila.

Inaasahan na iyun ng aktor, pero pagod noon ang ating ka-Troika.

Hayaan na nating siya ang mag-eksplika.

Tuloy, ang nakinabang ay isang mabait na direktor na kaibigan din natin.

GORGY RULA: No comment!

Read Next
Read More Stories About
PEP Troika blind item
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results