Ex ni Tom Rodriguez, bida sa Beautiful: The Carole King Musical

NOEL FERRER: Kaka-announce lang ng Atlantis Theatrical Entertainment Group na ang ex ni Tom Rodriguez na si Kayla Rivera ang napiling magbida bilang Carole King sa Beautiful: The Carole King Musical.

 IMAGE @this.iskayla on Instagram

Ang Tony, Olivier, at Grammy Award-winning musical na ito, which tells the story of Carole's early life and career, ay ipapalabas sa Meralco Theatre simula June 14, 2019.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sumali dati si Kayla sa isang musical-reality show.

Kahit hindi siya ang pinalad na manalo ay nalinya siya sa professional musical theater at nag -debut playing Nina Rosario in Atlantis' acclaimed staging of In the Heights (2011).

Pagkatapos noon, nagsunud-sunod na ang kanyang musical theater assignments tulad ng Princess Jasmine in Disney's Aladdin, Carrie White in Carrie, Wednesday Addams in The Addams' Family, Sherrie in Rock of Ages, at Violet Hilton in Side Show.

Nasa U.S. pa ngayon si Kayla na balitang magtatapos ng kanyang pag-aaral in a month.

Heto naman ang nasabi niya tungkol sa kanyang latest feat, "I'm so honored to be part of Beautiful, more so playing the role of Carole King herself.

“Her music is timeless and simply touches the heart and soul of her listeners.

“Beyond that, she broke the barriers by making her mark in a male-dominated industry with the historic success of one of her best selling albums of all time, Tapestry.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“She's a true inspiration and it's such a blessing to be trusted with this role.

“I can't wait to share her heart and deep love for music with the Filipino audience.”

Mapa-Broadway, West End o Maynila man ito, hindi ako magsasawang panoorin ang Beautiful na may magagandang kanta tulad ng "Will You Still Love Me Tomorrow," "You've Got a Friend," "One Fine Day, " "So Far Away," "Take Good Care of My Baby," 
"You've Lost That Lovin' Feeling," and "Natural Woman."

GORGY RULA: Mukha namang sa stage naka-focus si Kayla, at wala itong balak mag-showbiz.

Mababalahura lang siya sa showbiz dahil mauungkat ang tungkol sa kanila ni Tom na masaya na sa piling ni Carla Abellana.

May mga kaibigan kasi ako sa New York na nakuwentuhan daw ni Kayla tungkol sa Kapuso actor.

Di gaanong kagandahan ang mga nai-share na kuwento. Kaya mabuting huwag na lang.

Tahimik na lang para positive-positive!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

JERRY OLEA: Born to star in Beautiful si Kayla, na gandara at sakdal husay nang mapanood ko sa Side Show last year sa RCBC Plaza, Makati City.

Nawa’y lalo pang maging beautiful ang kanyang musical career!

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close