JERRY OLEA: May working permit na sa Pilipinas ang half-Korean, half-American na si Greg Hawkins.
Babalik pa ba siya bilang Kuya Escort sa It’s Showtime ng ABS-CBN?

“Honestly, I don’t know at this point,” pag-amin ni Greg nang matsika namin sa recent event ng Mannix Carancho Prestige International sa Vikings MoA.
“But... they might have something, you can ask them.”
Nakakaintindi at nakakapagsalita ng Tagalog si Greg, pero mas kumportable pa rin siyang mag-Ingles.
Wala siyang formal tutor. Nasasanay lang siya sa pakikipag-usap sa mga kaibigan niyang nagta-Tagalog.
Kasama si Greg sa cable show na The Legal Mistress, na napapanood tuwing Biyernes ng 9 P.M. sa Sari-sari Channel ng Cignal TV, at may replay tuwing Sabado.
“It’s a very, very funny series. When I first saw it, I had no idea what to expect, and I was really pleasantly surprised personally,” nakangiting lahad ni Greg.
“So, I hope that people tune in, that people like it.”
Taglish ang dialogues niya sa nasabing series, kung saan bida sina Meg Imperial, Cindy Miranda, at Ali Khatibi.
NOEL FERRER: Diresto tinanong ni Tita Cristy Fermin si Greg sa radyo kung niligawan ba siya ni Vice Ganda.
Iniisip kasi ng iba na baka hindi siya bumigay sa popular host kaya inalis na lang siya sa It’s Showtime.
Maayos itong sinagot ni Greg: “I’d rather say 'no' dahil I don’t want people to say na nanggagamit ako at para tapos na ang issue. Hindi naman po yun ang reason.”
Oh well, sana na lang ay may talent talaga si Greg para maging kapaki-pakinabang siya sa ating industriya.
GORGY RULA: Mas guwapo at bagay na pang-escort si Greg Hawkins kesa kay Ion Perez.
Hindi ako naaaliw sa mga pakulo ni Ion, pero marami ang natutuwa sa kanya at bentang-benta na sila ni Jackie sa out-of-town shows.
Kaya mukhang tuluy-tuloy na si Ion sa It’s Showtime, at ewan ko kung pababalikin pa si Greg.
Pero may "sawa factor" na rin kasi, kaya ang latest na nababalitaan ko, mas marami ang nanonood at talagang nagri-rate ang "Backlash" ng Eat Bulaga! na katapat ng "Miss Q & A."
Ang isa pang naghi-hit ngayon sa Eat Bulaga! ay ang "Boom" na sinusubaybayan ko rin.
Nag-enjoy nang husto roon si Enchong Dee, kaya nag-trending ang guesting niya kasabay ng promo ng Elise.