Title ng Valentine concert ni Joanna Ampil, malaki ang kinalaman kay Miss Universe 2018 Catriona Gray

by PEP Troika
Feb 4, 2019

NOEL FERRER: Isang espesyal na Valentine concert ang inihahanda ng aking mga kapamilyang sina Joanna Ampil, Reuben Laurente (ng dating The Company, Aliw Awards Best Male Concert Act), at Arman Ferrer (Aliw Awards Best Crossover Artist) sa BGC Arts Center, Pebrero 14, P.M.

Makakasama nila ang UP Singing Ambassadors na nanalo sa 66th Concorso Polifonico Internazionale 'Guido d'Arezzo' Choral Competition in Italy ng Grand Prize.

Continue reading below ↓

This makes each performer in this concert a winner.

Joanna is doing Ang Babae Sa Septic Tank 3 with Eugene Domingo. Reuben is doing Tales Of The Manuvu. Si Arman ay kasama sa Beautiful, The Carole King Musicale at sa mga susunod pang productions ng Atlantis Theatrical Entertainment Group now on its 20th year.

At ang title ay napaka-timing sa homecoming ng ating 4th Miss Universe na si Catriona Gray. It’s called Silver Lining, The Concert. Positive at good vibes lang!

Excellence and world-class performances na puwedeng i-tour sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas at sa maging sa ibang bansa!

Anu-ano ang mga gusto ninyong marinig sa kanila sa concert, mga ka-troika?

JERRY OLEA: May tribute kay Michel Legrand (French musical composer) sa Silver Lining concert.

Wish ko lang na magpugay rin sila kay James Ingram o Pepe Smith.

May aawitin din sila mula sa Oscar-nominated films na A Star Is Born at Bohemian Rhapsody.

Continue reading below ↓

Para sa millennials, may kakantahin silang awit ng Ben & Ben.

Pero bet kong marinig sa Valentine concert na iyan ang hit na hit na kanta ni Juan Karlos na Buwan.

“Sa ilalim ng puting ilaw/ Sa dilaw na buwan/ Pakinggan mo ang aking sigaw/ Sa dilaw na buwan”

GORGY RULA: Kanya-kanyang crowd ‘yang mga magku-concert sa Valentine’s Day.

Ibang crowd din itong kina Joanna, kaya inaasahang dadagsain din ito.

Curious lang ako kung may pa-tribute din kaya sila kay Rico J. Puno?

Ang kasabay nilang concert nina Ogie Alcasid at Ryan Cayabyab sa Resorts World Manila, pati ang Hitmakers and Ai na nakatakda naman sa February 15 sa Resorts World din ay may pinaghahandaang tribute para kay Rico J.

Nakaka-miss kasi ang magaling na singer na ito na hindi puwedeng wala siyang show tuwing Valentine’s Day.

Maganda rin kung gagawin nila ang mga kanta ni Rico J, lalo na’t magaling magaling maglaro ng mga kanta si Reuben Laurente, at tiyak iba rin ang atake ni Arman Ferrer.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results