Willie Revillame, balik-trabaho matapos ang trahedya sa Wowowin

Willie Revillame, balik-trabaho matapos ang trahedya sa Wowowin
by PEP Troika
Feb 4, 2019
PHOTO/S: Screengrab from Wowowin

JERRY OLEA: Huling araw ng Year of the Earth Dog ngayong Pebrero 4, Lunes. Bisperas ng Year of the Earth Pig.

Siyempre, super-saya ang pagsalubong ng Chinese New Year sa Binondo, Manila.

Sa kabilang banda, ika-13 anibersaryo ngayon ng Ultra Stampede, na tinatawag ding Wowowee Stampede, PhilSports Stadium Stampede, at Ultragedy.

February 4, 2006 nang maganap ang trahedya sa first year anniversary celebration ng defunct ABS-CBN noontime show na Wowowee sa PhilSports Arena (formerly Ultra) sa Pasig City. 

Naitalang 71 katao ang namatay sa stampede na nangyari roon. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kumusta na kaya ang 71 Dreams Foundation?

Naudlot ang mediacon tonight ng game show na Minute to Win It: Last Man Standing.

May flu ang host nito na si Luis Manzano.

Importante sa mga Intsik ang Lunar New Year, kaya may mga pamahiin kaugnay dito.

Naalala ko tuloy ang concubine sa nobelang The Joy Luck Club (1989) ni Amy Tan, na itinaon sa Chinese New Year ang pagkamatay para masiguro ang kinabukasan ng kanyang mga anak.

Sabi-sabi, kailangang ganap na malinis ang bahay bago mag-Chinese New Year para suwertehin ka sa darating na taon.

Sa New Year’s Day, huwag maglinis o magwalis, dahil nangangahulugan iyon ng pag-aalis ng buwenas sa bahay.

Makabubuting magsuot ng pula pagsapit ng Bagong Taon, dahil iyon ang itinuturing na pinakamasuwerteng kulay.

Ang pagbubukas ng bintana ay nagpapasok daw ng suwerte. Ingat-ingat lang sa Akyat-Bahay Gang!

Huwag gumamit ng matatalas na bagay sa unang araw ng Bagong Taon, dahil sumisimbolo iyon sa pagputol sa mabuting kapalaran.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Naniniwala ba kayo sa mga pamahiing ito?!

Kung Hey Fat Choi!

NOEL FERRER: Tama ka, Ka-Troika Jerry! Ingat sa mga dumadalaw sa mga bahay!!!

Kung mapapansin ninyo, sampu-sampera na ang mga pulitiko na nagpapa-guest sa top-rating shows bago ang actual election period.

Maliban sa pelikula, they have invaded TV already and it really means pulling big bucks and big favors.

Medyo na-off lang ako kagabi na pati sa ABS-CBN kiddie gag show na Goin’ Bulilit ay nag-guest ang isang kumakandidato sa pagka-senador.

Gayong isa iyong show na ang audience ay mga walang muwang na bata at hindi pa nakakaboto. I think we should draw the line there somehow.

Sa GMA-7 naman, nagkaroon daw ng taping ng senatorial debate na parang hindi masyadong dinaluhan ng inaasahang mga senador.

Bakit kaya? Balita ko’y may na-off sa format nito na super-limitado ang oras para mag-eksplika ng issues. 

I’m sure, they learned from yesterday’s experience sa taping ng The GMA Senatorial Face-off.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At siguro ie-enhance pa nila ang eereng episode na ito sa February 9, Saturday. 

Sana, as we usher in the Year of the Pig, magdala nawa ang bagong taon na ito ng kasaganahan ng mga palabas na makatutulong para maging informed ang Pinoy audiences at hindi lang basta promo ng kung sinumang kandidato. 

GORGY RULA: Bukas na rin kasabay ng pagdiriwang ng Chinese New Year ay babalik na si Willie Revillame sa taping ng GMA-7 variety show na Wowowin.

 IMAGE Screengrab from Wowowin
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sobrang dinamdam ng kilalang TV host ang nangyaring trahedya sa taping ng game show niya kaya nagbakasyon muna ito.

Naiulat noong January 23 na isang Wowowin audience member ang pumanaw matapos aksidenteng nahulog sa bleachers at nabagok ang ulo nito. 

Pero pinaayos ang studio, pina-bless ito, at nagpamisa para mabasbasan ang naturang lugar.

Sabi ng ilang mga malalapit kay Willie, walang may kagustuhan sa pagkamatay ng isang manonood sa studio. 

Ang mahalaga raw, kaagad nilang binigyan ng aksyon, at nagbigay ng tulong sa mga taong naapektuhan sa aksidenteng iyon.

Pagdating sa guestings ng mga pulitiko sa iba’t ibang TV shows, kailangan nilang gawin iyan bago magsimula ang campaign period sa February 12.

Kanya-kanyang diskarte na lang 'yan.

Siguro, nasa TV stations na lang yan at sa programa kung gusto nilang magpagamit sa mga pulitikong kailangan ng dagdag na exposure sa kanilang pangangampanya.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Screengrab from Wowowin
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results