Elise at Hanggang Kailan, magsasalpukan sa takilya

Elise at Hanggang Kailan, magsasalpukan sa takilya
by PEP Troika
Feb 4, 2019

NOEL FERRER: Graded A ng CEB (Cinema Evaluation Board) ang Elise nina Janine Gutierrez & Enchong Dee, directed by Joel Ferrer for Regal Entertainment, Inc.

Samantala, Graded B ang Hanggang Kailan nina Xian Lim at Louise delos Reyes, directed by Bona Fajardo for Viva Films.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ano kaya ang kakahinatnan ng mga ito sa box office, mga ka-Troika?

Mabasbasan kaya ito ng suwerte ng Chinese New Year o kasama pa rin ito sa tumal ng mga manonood pagkatapos ng MMFF?

Ano sa tingin ninyo ang mas kikita sa dalawa?

GORGY RULA: Baka mataypan ng millennials ang Elise. Kakaiba ang style ni Direk Joel Ferrer sa pelikulang ito.

Kahit title role dito si Janine Gutierrez, si Enchong Dee ang bidang-bida sa pelikula.

Obvious na natuwa si Direk Joel sa performance ng bagets na si Miel Espinosa sa Pan de Salawal kaya halos ganun din ang ipinagawa sa kanya sa Elise.

Okay si Janine dahil wala naman gaanong hinihingi sa role niya.

Surprisingly, nakakaarte pala ang dating Miss World Philippines na si Laura Lehmann. Natural ang akting niya bilang ex-girlfriend ni Enchong.

Sana, parehong tangkilikin ang Elise at ang Hanggang Kailan na magbubukas na sa Miyerkules, February 6.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

JERRY OLEA: Experimental ang kumbinasyon ng dalawang pelikulang iyan. Masisipag ang mga artista sa pagpo-promote.

Nakasalalay sa kani-kanyang hukbo ng tagahanga ang kahihinatnan nila sa takilya.

Kaagaw nila sa atensiyon ng moviegoers simula Pebrero 6, Miyerkules, ang fantasy-action movie ni Jackie Chan, ang The Knight of Shadows: Between Yin and Yang.

Nasasabik ako sa Valentine movie nina Liza Soberano at Enrique Gil, ang Alone/Together, na ipalalabas sa Pebrero 13. Idinirek ito ni Antonette Jadaone, para sa Black Sheep.

Marami ang humuhula na itong Alone/Together ang unang Pinoy movie na magiging blockbuster ngayong 2019.

Anlakas ng dating ng tagline nito na, “Traydor ang mga alaala.”

Nang i-shout out ko ang linyang iyon sa Facebook nitong Pebrero 3, Linggo, agad-agad nag-comment ang kaibigang Aiko Melendez, “Mukhang malalim na alala ‘yan... haahahhahah!”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results